Advertisers

Advertisers

Andrea laking pasalamat kay Heart nang pahiramin ng P11-M diamond necklace

0 9

Advertisers

Ni Juliet Q. Pacot

BONGGA ang suot na kuwintas ng aktres na si Andrea Brillantes sa nakalipas na ABS-CBN Ball.

Pero kuwidaw dahil hindi pala ito sa kanya at hiram lang pala kay Heart Evangelista.



Gayunman, todo-pasalamat pa rin si Andrea kay Heart matapos siya nitong pahiramin ng P11-milyong diamond necklace para sa ABS-CBN Ball.

Ang nasabing Serpenti necklace mula sa sikat na luxury jewelry brand na Bulgari ay gawa sa puting pavé diamonds na naka-set sa 18-karat white gold chain.

Una itong pinag-usapan noong Mayo 2023 matapos itong isuot ni Heart sa isang panayam kasama si Boy Abunda, kung saan tinatayang nasa P8 milyon ang halaga nito noon.

Sa pinakahuling tala mula sa website ng Bulgari, ang kaparehong disenyo ay nagkakahalaga na ng €175,000 o tinatayang P10,998,750.00.

Ipinartner ni Andrea ang mamahaling alahas sa isang sleek cream pantsuit na may deep-V neckline mula sa designer na si Neric Beltran.



Sa isang post sa Instagram, nagpasalamat si Andrea kay Heart sa pagpapahiram ng naturang alahas:
“I be on my suit and tie,” ani Andrea, sabay tag kay Evangelista sa caption.

Nag-reply naman si Heart ng, “Anytime.”

***

IPINAHIRAM ni Heart ang kanyang kilalang serpentina necklace. Noong June 2024, suot din ito ng kanyang stepdaughter na si Chesi sa kanyang kauna-unahang prom.