Advertisers

Advertisers

PBBM PINARAMI PA ANG BARANGAY DEVELOPMENT PROGRAM

0 42

Advertisers

DATING 4,830 lang, ngayon ay 7,830 barangay na ang kasali sa Barangay Development Program (BDP).

Ano ba yang BDP? Ka ninyo. Yan po ang paraang naisipan ng National Task Force to End Local Communists Armed Conflict o’ NTF-ELCAC, upang mabawasan ang kaguluhan sa malalayong lugar o barangay na pinipeste ng mga Komunistang-teroristang CPP-NPA-NDF.

Noong una kasi, ang BDP, ay para lang sa mga lugar na sinasamantala ng CPP-NPA-NDF at nang nalinis na ng mga tropa ng ating pamahalaan ay binuhusan sila ng NTF-ELCAC ng BDP para na rin sa kaunlaran ng mga barangay na ito.



Nang si Pangulong Bong Bong Marcos na ang namumuno, minabuti niyang isama na din ang mga barangay na medyo inuuga ng mga gaya ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF), Moro Islamic Liberation Front (MILF), at Moro National Liberation Front (MNLF).

Ang pagpapalawig ng mga lugar, ayon na rin kay NTF-ELCAC, Executive Director Undersecretary Ernesto Torres Jr. ay kanilang nalaman kay Pangulong Marcos noong sila ay nagharap-harap sa 7th Executive Committee Meeting sa Malacañang.

Natuwa nga raw sila at ganun na lamang ang kagustuhan ni PBBM na ituloy ng task force ang BDP at pinalawig pa ang bilang ng mga lugar na dapat ay paglagakan ng pondo ng BDP.

Ang BDP fund kasi, ay nagpapahintulot sa mga residente ng mga barangay na iyan, na sila ang pumili kung ano ang dapat nilang unahin na proyekto, gaya ng kalsada, silid paaralan, pangkalusugan o’ pangkabuhayan. Nang sa gayon, ay makatikim naman sila ng kaginhawan.

Pasok dito ang mga barangay sa 280 na dati’y mga ‘conflict-affected barangays’ sa Zamboanga, Sulu, Lanao del Sur, Maguindanao del Sur, at Basilan, na siya rin tinuran ng ating mga sundalo na nangangailangan ng suporta ng pamahalaan upang di na pamugaran ng mga rebelde.



Ang BDP ang solusyon ng NTF-ELCAC para matigil na ang pagrerebelde ng iba nating kababayan lalo na yaong mga nasa malalayong barangay.