Advertisers

Advertisers

POLICE UNIT SA QUEZON, TONG COLLECTOR AGENT!

0 1,147

Advertisers

IBANG-iba na yata ang kalakaran ngayon sa hanay ng Philippine National Police (PNP), sa halip na magtrabaho at tuparin ang kanilang mandato bilang tagapagpatupad ng batas ay may ilang grupo na nagiging mistulang collection agents ng mga “kapustahan” (police tong collector).

Ito ang mapait na katotohanang kailangang aksyunan nina PNP Chief Rommel Francisco Marbil at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Director LtGen. Nicolas Torre III, sa harap ng “parang kabute” na pagsusulputan ng mga vice den at iba pang kailegalan na ang tinutukoy na may pakana ay ang mga naglipanang “kapustahan”.

Hindi basta-basta ang poder o impluwensya ng “kapustahan” sa mundo ng kailigalan sa halos lahat na 17 rehiyon sa bansa.



Bukod sa pagiging tong o intelhencia kolektor na umo-orbit para mangolekta ng lingguhang “parating” sa ilang mga tiwaling PNP, NBI at iba pang govt. top officials, ay sila na din ang nagbibigay ng “go signal” kung sino ang maaaring mag-operate ng kailegalan sa mga hawak ng mga itong rehiyon, lalawigan, siyudad at munisipalidad.

Sila rin ang nagdidikta kung sino ang “pasok” at itsapwera sa larangan ng ilegal, kaagapay naman ang tila special unit ng PNP na nakatutok sa pangha-harass sa mga makunat, reklamador at nagtitigas-tigasang mga ilegalista.

Markado ang mga kapitalista, kanilang mga katiwala at poste sa mga vice den na maraming palusot o alibi para maka-diskwento sa itinakdang weekly payola.

Kung hindi pa nakakaabot sa kaalaman ni Quezon PNP OIC Provincial Director Col. Ruben Lacuesta, ay tatlong nagpapakilalang police sergeant ang nag-iikot at ginagamit ang pangalan ng Quezon PNP Provincial office at maging ang opisina ni Quezon Gov. Angelina “Helen” Tan sa pangongotong ng weekly protection money o intelhencia.

Sina alyas Sgt. Anus, Sgt. Baste at Sgt. Jammy ay putok ang pangalan sa mga pergalan (peryahan na pulos sugalan) operator dahil sa sagad-langit na tara nila sa mag-jowa na drug/gambling operator na sina alyas Boy No Good Life at Eve. Nag-ooperate ng sangkaterbang ilegal na sugal sa Brgy. Talisay sa bayan ni Mayor Vincent Arjay Mea ang mga ito.



Bukod sa mag-partner na Boy No Good Life at Eve, ay nakalatag din ang mga pasugal na front din ng salyahan ng shabu sa ni Madam Norma sa Brgy. Lumingon ng naturan ding bayan.

Labis ang kagalakan ng mga residente ng Tiaong nang walisin kamakailan ni Mayor Mea ang operasyon ng paihi/buriki sa kanilang munisipalidad, ngunit laking dismaya ng mga ito nang ang mapanganib na burikian ay mapalitan naman doon ng higit na perwisyong operasyon ng ilegal na pasugal na hinaluan pa ng bentahan ng shabu.

Dahil sa kawalan ng aksyon dito ng re-electionist na alkalde at ng kanyang police chief ay namemeligrong sa kangkungan na pulutin ang kandidatura ni Mayor Mea.

May mga ilegal na pasugalan din sa naipatayong tradisyunal na peryahan sa bayan ng Agdangan ang isang Francia kung saan parang candy din na ipinabebenta ang shabu. Sa munisipalidad ng San Antonio ay talamak din ang operasyon ng pergalan.

Nag-ooperate din sa halos 1st hanggang 4th District ang mga illegal logger na kilala din sa tawag na “magka-kahoy.” Tinukoy ang ilan sa tinatayang may 150 na illegal loggers sa naturang probinsya na sina Carding, Putaw, Dalia, Altamira, Kambal, Alex, Marcial, Victor, Juancho, Felix, Juaning, Rico, Ricky, Arangkada at Valiente.

Kada isa ay may Php 2,000 na padating tuwing A-15 at A-30 ng buwan, kaya pumapalo ang kinokolekta ng “Tatlong Bugok” sa mga illegal loggers sa kabuuang Php.7M monthly. Gamit ng mga itong panakot ang pangalan ng kung tagurian ay “Kapatid na Colonel” at ng walang kamalay-malay na gobernadora.

Ang mga pergalan operator at iba pang ilegalista na bantulot o hindi karakang magbigay ng kanilang “obligasyon” ay binubulabog naman ng tropa ng isang alyas “Chua” na nakabase kuno sa Quezon PNP Provincial Command? May karugtong…

***

Para sa komento: Cp.No. 0966 406 6144