Advertisers

Advertisers

AKSYON NI PNP PRO3-DIRECTOR BGEN. FAJARDO, KINA FYTON, RICKY AT FER HINILING!

0 55

Advertisers

Ni Edwin Moreno

Ang Kawalan ng aksyon Nina Bulacan PNP Provincial director Col. Franklin Estoro at Tarlac PNP Provincial director Col. Miguel Guzman ang nagtulak sa mga Non-Government Organization para hilingin ang aksyon ni PNP Region Director BGen. Jean Fajardo.

Ayon sa insider ng Kalawit, kaladkad Nina Ricky at Fer ang pangalan ng butihing director na sila daw ang naatasan na kontrolin ang lahat ng illegal gambling partikular ang pergalan at saklang PATAY na nagkalat sa lalawigan ni Bulacan Governor Daniel Fernando.



Sa sumbong ng insider sa Kalawit, mistulang nagpa-pako sa kruz ang inaabot ng mga operator ng pergalan sa Bulacan.

Bakit? itinatara nina Ricky at Fer ang 60k a week sa isang pergalista operator para daw sa opisyal ng PPO Bulacan.

Hindi pa kasama dito ang mga lubog na unit na tangan-tangan ng mga UNGAS.

Abay bukod sa kaladkad ng 2 UNGAS ang pangalan ni PD utos daw ito ni punyente Bernardo.

Aksyon PD Col. Estoro.



Sa lalawigan ng Tarlac isang alyas Jose FYton, ang binabandera ang pangalan ng butihing PNP Provincial director ng Tarlac na si Col. Miguel Guzman sa kanyang mga binasbawang operator ng mga pergalan, PAIHI at SAKLA.

Sangkalan ni FYTON sa mga salot na pergalan at sakla sa lingguhan nitong koleksyon sa PAYOLA ang pangalan ng butihing CIDG Provincial Officer.

Dapat na talagang aksyonan ito ni BGen. FAJARDO na madakip itong sina FYTON, RICKY at FER dahil ikinokolekta na din ng weekly ang tanggapan Nina DILG Sec. Jonvic Remulla at NAPOLCOM Chief Edilberto Leonardo.

Panakot din ng mga ito ang pangalan ng Regional Chief ng CIDG-RFU na si Col. Jorge Buyacao.

Sa lalawigan naman ng Nueva Ecija na pinamumunuan ni PNP Provincial director Col. Ferdinand Germino ay kalat din ang sangkatirbang pergalan ito ay matatagpuan sa bayan ng Bongabon na pag-aari ni Ka Doming, Rizal Kay Jarold, ganun din sa bayan ng Lianera, Aliaga, Brgy. Bangad kay Nelma, Cabanatuan City ni Mayor Myca Elizabeth Vergara.

T’yak na alam ito ni Cabanatuan Chief of Police Lt. Col. Renato Morales.

Sa bayan ng Talavera, ang karnaval na pergalan ni Mario, Sa Jose kay Quiroz na ang salubong ay si Charlie na hawak ni Kap. Erick.

Anong aksyon naman kaya ang pinaggagawa ni PRO1-regional director P/BGen. Lou Evangelista?

Panahon na seguro para kastihuhin n’ya ang pinamumunuan ni Pangasinan PNP Provincial director Col. Rollyfer Capoquian, ang nagkalat na pergalan sa bayan ng Mangaldan, sa mga barangay ng David, Gegesangin, Anolid, Maasim at Talugtog.

Dapat kalusin din ni PD ang salot na pergalan Nina Flores at Ibasan na ang bukang bibig may basbas ang pasugalan nila ni RD Evangelista.

Maging sa Boquig, Bonuan, Perez Blvd., Dagupan, Lubong, San Jacinto, Poblacion San Fabian, sa bayan ng Alcala kay Sharon, Alaminos bayan likod ng McDo kay Berna.

Binmaley, Urdaneta, Asingan, San Carlos, Infanta, Sindalan kay Normita, Maimpis kay Doming, Sta Rita Diladila kay Rose.

Lahat po ng mga illegal na pasugalang yan iisa ang pinagmamalaki ayon sa insider ng Kalawit, may basbas sa ilang tiwaling PNP opisyal ng rehiyon, Chief of Police at alkalde.

Abangan. May kasunod…