Advertisers
WALA kasing matinong programa de gobyerno si Ate ng cityhall, kaya ang atake ng mga aso niya — personalan na, character assassination na.
E, akala ba ni Atty. Joel Chua, maaapektuhan si Francisco “Yorme Isko Moreno” Domagoso sa panghahamak niya, no way.
Hindi niya madi-distract si comebacking Yorme Isko at konting tiis na lamang, babalik na ang disente, maayos, matinong gobyerno sa Manila city government.
Hoy, 3rd district Cong. Chua, na sa pagtahol-tahol niya, hindi nakapagtataka na kung tawagin siya na “Chihuahua” — na insulto sa asong ganito na sa personal ay sobrang cute, maamo at mabango.
Yung distrito mo, Chua ang asikasuhin mo at baka sa Mayo 12, sa kangkungan ng estero ka pulutin, kasi, wala nang natutuwa sa iyo.
E, ano kung utak iskwater si Yorme, e open book naman na siya ay dating basurero, lumaki sa hirap, pero dahil sa sipag, sa pagsisikap, umangat at umasenso at naging alkalde, at muling magiging alkalde ng Maynila.
E si Joel, ano ang pwedeng ikapit sa kanya, a, basta kayo na mga reader ang magsabi pag nalaman nyo kung paano ba naging Chua ito sa Kongreso.
Bago naging tagatahol si Chua, wala siyang binatbat sa pôlitikang Maynila — at sino ang nagbigay daan sa kanya para maging ganito ngayon, walang iba po kungdi si Yorme Isko.
Noong kumandidato si Joel na konsehal, si Yorme ang numero unong endorser niya, kaya nanalo, pati na ang kapatid nito, si Atty. Mary Grace Chua.
Laging nakabuntot si Joel kay Yorme noong tumakbo uling konsehal, at sa pakiusap ng ilan, at mismong si Chihuahua at ng kanyang kapatid na si Mary Grace, tinulungan uli ni Isko na “utak eskwater.”
Aba, kungdi sa utak eskwater ni Isko, malabong maging konsehal si Joel uli, at si Mary Grace nang bumabang konsehal, kinuha ni Yorme na maging isa sa kanyang opisyal sa cityhall noon.
Tapos, naisip ni Joel na kumandidatong kongresman, humingi uli siya ng tulong kay Isko — na tumulong uli, kasi likas sa ugaling eskwater na ito ang tumulong, di ba, Chua?
Eto na, nang magdeklara uli si Yorme na tatakbong mayor, tinawag niya ito na “traydor” daw sa samahan, kasi kinalaban si Ate ng cityhall.
E, sino ba ang nagtraydor sa mamamayan ng Maynila — si Isko o si Ate ng cityhall na hindi itinuloy ang magagandang programang iniwan noon ni Yorme sa siyudad.
Ang bantot ng paligid ng cityhall, ang Liwasang Bonifacio, ang dumi, at ang gulo ng palakad sa mga public hospital na pinaganda ni Isko, pinaayos ang mga pasilidad para makapagbigay ng pinakamahusay sa serbisyo.
E, kungdi dahil kay Isko, malabong manalong kongresman itong si Chua, at ngayon, superyabang, feeling untouchable at tama ang kasabihan ng matatanda, ugaling ahas ang isang tao na kumakagat sa taong nagpalaki sa kanya.
E, bakit ba naisipan ni Yorme na magbalik at siguradong babalik na sa cityhall matapos ang eleksiyon sa Mayo 12?
Kasi mga Batang Maynila ang nais na si Yorme ay magbalik, e paano siya makatatanggi, lalo na ang mga lolo, lola at mga kapos sa buhay ang nagsasabi na tumakbo uli siyang alkalde, kasi hindi maganda ang patakbo ni Ate sa cityhall.
Parang walang gobyerno sa Maynila, at bago nagpasiyang tumakbo uli si Yorme, nag-ikot siya — at ang kanyang Yorme’s Choice sa anim na distrito.
Ano ang sinasabi patungkol kay Ate: palpak daw, naturingang doktora at hepe ng Manila Health Center ang asawa, aba, ang serbisyo sa mga ospital, very poor.
May ospital nga, wala namang gamot, walang maayos na serbisyo, e sino ang hindi mababagabag ang puso sa hiyaw at sa daing ng mamamayan na si Yorme ay magbalik na uli sa cityhall.
Ang mga tolongges ay nagbalikan sa kalye, nagkalat ang mga kotongero sa cityhall, nagpipiyesta kasi, si Ate ay naging pabaya.
Hindi lang taga-Maynila ang gustong magbalik si Yorme, pati ang mga taong may nilalakad sa cityhall, kasi ang hirap daw mag-ayos ng mga permit, at kung ano-ano ang pasikot-sikot na dadaanan, at upang mapadali, kailangan nang magpadulas!
Utak eskwater na si Isko ang magbabalik sa totoong gobyernong magsisilbi sa Batang Maynila.
Kaya sa malaking takot nitong si Chua, panay ang tahol ngayon, pero tulad ng sabi ng mga matatanda, ang asong panay ang tahol, ito ang asong bahag ang buntot pag totoong away na ang haharapin.
Ewan kung matapos ang ang eleksiyon sa Mayo 12, hindi na tahol ang gagawin nito, kungdi ungol ng di mapigilang pag-iyak pagkat ang Ate niya ay magbabakwet sa cityhall at baka magbuhay na tulad sa isang eskwater!
Manilenyo, konting araw na lamang at malapit na ang katubusan, mapapanatag na ang inyong kalbaryo ng pahihirap pagkat babalik na si Yorme Isko, kasama si Vice Mayor Chi Atienza at ang buong tropa ng Yorme’s Choice.
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay sumulat o magmensahe sa bampurisima@yahoo.com.