Advertisers

Advertisers

HUWAG MANIWALA SA SURVEY

0 99

Advertisers

HUWAG maniwala sa mga resulta ng isang survey sa bansa. Ayon sa disclosure ng polling firm, karaniwan na 1,800 katao lamang ang tinatanong hinggil sa kanilang damdamin sa mga survey. Ito ang tinatawag na “sample.” Kinakatawan ng bawat sample ang milyon-milyon populasyon at iba’t-ibang sektor ng bansa.

Madalas itanong ng mga kritiko kung sapat na panukat ang sample sa survey. Madalas itanong kung paano katatawanin ng sample ang buong bansa. Hindi ito madali at dito umuugat sa isyung ito ang pagkakamali ng ilang survey.

Itinatadhana ng disiplina ng social research ang malalim ng methodology, o pamamaraan kung paano gagawin ang survey. Kailangan maayos ng anumang polling firm ang bawat tanong na inilalatag sa mga sample. Dapat wala itong bias, o pagkiling sa anumang hypothesis na gustong palabasin ng polling firm.



Kung mali ang tanong, maaasahan na mali ang mga sagot, at pawang mali ang kahihinatnan ng survey. Sa maikli, hindi nasasalamin ang anumang survey sa totoong kondisyon ng bansa.

Kaya mahirap unawain na dahil nanguna sa isang survey si Bong Go, panalo na ito sa halalan. Hindi totoo na dahil kasama sina Bato dela Rosa, Philip Salvador, at Rodente Marcoleta, nanalo na sila. Hindi natin alam kung kinakatawan talaga ng sample ang damdamin ng bansa.

Kamakailan, pinasinungalingan ni Mahar Mangahas, isa sa mga pangunahing opisyales ng Social Weathers Stations (SWS) na ginawa ng SWS ang survey kung saan nanalo sina Bong Go, Bato, Salvador at Marcoleta. Hindi it ginawa ng SWS at hindi ito opisyal. Sa maikli, fake survey ito at hindi dapat paniwalaan. Pero ibang isyu ito.

Ituloy natin ang talakay sa survey. Hindi natin alam kung maayos ang methodology ng survey. Hindi sinasabi ng polling firm ang kanilang methodology sa kanilang survey. Hindi binanggit ng polling firm kung ano-ano ang mga tanong na iniharap sa sample. Walang sapat na disclosure. Kulang sa pagtatapat ang survey sa mga mamamayan.

Bukod diyan, kinuha umano ang survey ilang araw pagkatapos ng pagdakip kay Gongdi ng pinagsamang puwersa ng PNP at Interpol. Mainit umano ang ulo ng mga tagasunod ni Gongdi dahil isinakay siya ng eroplano at dinala sa The Hague. Kinidnap, anila, kahit hindi totoo kung pagbabatayan ang mga ebidensya.



Mukhang isa itong paraan upang ikondisyon ang isip at damdamin ng sambayanan kontra sa pagdakip at pagkakakulong ni Gongdi. Nais nilang pagliyabin ang damdamin ng bayan kontra sa pagkakakulong ni Gongdi.

Masyadong naging madamdamin ang mga sumunod na araw hanggang nagdiwang ng ika-80 kaarawan ang tila nabangag na dating pangulo sa kulungan noong ika-28 ng Marso. Inaasahan na huhupa ang mga damdamin na negatibo sa pagdating ng halalan sa ika-12 ng Mayo.

Teka nga pala, hindi lahat ng survey ay nagkatotoo. Maraming nanguna sa survey ang mga natalo. Palaging nanguna si Jojo Binay sa mga survey ngunit pagsapit ng halalan, pang-apat lang siya sa walong naglaban-laban. Ganyan rin ang kapalaran ni Monching Mitra dahil palagi siyang nangunguna sa survey ngunit tila naupos na kandila pagdating ng halalan.

Kung susuriin mahirap unawain kung bakit nanguna si Bong Go sa survey. Mayroon mahigit 16 milyon ang pinagsamang puwersang Dilawan at Kakampink na naghalal kay Leni Robredo noong nakaraang halalan ng 2022. Hindi ito maaasahan na boboto kay Bong Go na sa tingin nila ay alila ni Gongdi. Alam nila na walang nagawang matino ang alila.

Kung may 31 milyon ang pinagsamang puwersa ni BBM at Sara, hindi ito malayo na mahati sa tig-15 milyon. Hindi maaasahan ang puwersa ni BBM na ihalal si Bong Go. Pero maaaring pagsamahin ang puwersa ng Dilawan-Pinklawan at BBM at abot sa 30 milyon ang kontra kay Bong Go. Paano mananalo si Bong Go?

Kung matatalo si Bong Go batay sa mga numero, paano mananalo si Bato, Ipe, at Rodente? Kaya kalokohan ang survey, sa aming palagay. Hindi dapat maging pamantayan ang survey sa pulitika. Maraming nanguna sa survey ang natalo pagsapit sa totoong halalan.

Ang totoo ay hindi pa lumalabas ang puwersa ng administrasyon upang igiit ang agenda sa susunod na tatlong taon. Hindi pa nangampanya si BBM at nakikita namin na walo o siyam ang mananalo sa kanilang tiket.

Maaaring manalo si Bong Go pero marami siyang haharapin na sakdal sa hukumang lokal at kahit sa International Criminal Court (ICC). Batid namin na kabadong-kabado ang alila ng dating presidente. Mananalo pero hindi makakaupo. Marami pang mangyayari sa susunod na mga araw bago ang halalan.

***

HINDI namin maalis ang mabagabag nang mabasa namin ang isang post ng kaibigan. Aniya: “The world is condemning the Duterte mass murder and Filipinos are voting en masse to make the 2 top officials after Duterte to top the Senate race! It’s like the Germans electing Heinrich Himmler and Hermann Goering to the German parliament despite their complicity in the genocide that occurred…. Where is the Filipinos’ sense of values? Jose Rizal and Ninoy Aquino must be turning in their graves