‘Pag ‘di na pandemic… Wilbert Tolentino ilulunsad ang The Philippines Influencer Awards sa 2021; YT subscribers 300K na
Advertisers
Ni BLESSIE K. CIRERA
SA pagpasok ng taong 2021, may pasabog na handog ang kilalang businessman at dating Mr. Gay World na si Wilbert Tolentino.
Mag-oorganisa si Wilbert ng The Philippines Influencer Awards 2021 para sa lahat kasama na ang mga nasa media.
Halos dalawang buwan pa lang na vlogger si Wilbert pero may 300,000 na agad ang subscribers nito.
Ilang sikat na vloggers na rin ang naka-collab nito kasama na si Idol Raffy Tulfo.
Hindi malabong mahabol na ni Wilbert ang dami ng subscribers nina Tulfo, Ivani Alawi at Alex Gonzaga.
Maituturing na itong malaking achievement sa kanya bilang baguhan sa nasabing entertainment streaming app.
Kaugnay nito, maraming napasaya si Wilbert matapos mamahagi nu’ng December 24 sa kanyang mga kafreshness subscribers sa YouTube for Noche Bola Raffle Bonanza. Ang mga premyo ay 1 unit YAMAHA NMAX 155cc.,one Winner for 100,000 php CASH, two Winners for 50,000 php CASH,3 units IPHONE 12 PROMAX 512GB,2 units IPHONE 12 PROMAX 256GB, 500 Subscribers for 500 GCASH, 500 Subscribers for 400 GCASH, 500 Subscribers for 300 GCASH at 500 Subscribers for 200 GCASH. ‘Ika nga ng negosyante na owner din ng tatlong entertainment bar ( Apollo, Club 690, at Farenheit), “Pinasok ko ang mundo bilang isang vlogger para bigyan ng kasiyahan at bonggang entertainment ang mga taong dumadaan sa anxiety at depression sa panahon ng pandemya.” “Bilang isang critical COVID pneumonia severe with acute respiratory distress syndrome survivor, ang aking adhikain sa paggawa ng vlog ay patuloy na pagtulong sa ating mga kababayan tulad ng mga nasalanta ng bagyo at kalamidad . Ganoon din sa iba’t ibang komunidad na nagsa-suffer sa pandemya,” dagdag pa ni Sir Wil.