Advertisers
Ni BLESSIE K. CIRERA
SUPER excited na ang Soft Rock Diva na si Rozz Daniels dahil sa kabila ng pandemya ay may bago siyang kanta na ilulunsad sa pagpasok ng taong 2021.
Ito ay pinamagatang ‘Napamahal Nako’ na ginawa para sa kanya ng mahusay na composer na si Adonis Tabanda.
Tsika ni Rozz sa isang interbyu, halos araw-araw daw ay nagpa-praktis siya para makanta nang maayos ang kanyang first song na malapit nang ma-release.
“I practice everyday for this song. I look forwarf to having everyone hear this Original Pinoy song titled ‘Napamahal Nako’ as composed by Mr. Adonis Tabanda.”
Nagpapasalamat din si Rozz sa kanyang manager-discoverer na si Total International Entertainer Nick Vera Perez sa pagtulong para makamit niya ang kanyang pangarap na maging singer.
Happy rin ang nasabing Soft Rock Diva na naisama siya ni NVP sa show nito sa KUMU para kahit paano ay malibang siya ngayong pandemya at maipakita sa lahat ang kanyang talent sa pagkanta.
Kwento nga ni Rozz, bata pa lang daw ay marami na siyang nasalihang amateur singing contests.
“I’ve been singing since I was 8 years old. Then at 10, I joined a choir.”
Dagdag pa nito, ang kanyang namayapang ama raw ang nag-udyok sa kanyang kumanta pero nahinto siya dahil maaga siyang nakapag-asawa.
Bumalik siya sa pag-awit dahil nais niyang pagbigyan ang huling wish ng kanyang ama na kumanta muli para maipakita sa lahat ang kanyang talento.
At dahil matagal na rin namang umaawit, may payo si Rozz sa mga baguhang singers, “Keep on singing and don’t stop believing!”
Abangan ang mga gagawing show ni Rozz sa pag-uwi niya rito sa bansa sa 2021 para sa promo ng kanyang bagong kantang ‘Napamahal Nako’ kasabay ng pagbabalik-Pinas din ni Nick Vera Perez para sa kanyang gaganaping concert sakaling pwede na at wala na ang pangambang dulot ng Covid-19.