Advertisers
19 days nalang eleksyon na!
Opo! Sa Mayo 12, maghahalal uli tayo ng mga opisyal na mamumuno sa ating bayan o lungsod at lalawigan para sa tatlomg taon na termimo at 12 senador para sa national government.
Ito ang araw na ang mamamayang Pilipino ang pinakamapakapangyarihan, kapangyarihang sisipa sa mga abusado at tamad na inihalal sa nakalipas na eleksyon, at maglalagay ng mga bagong pag-asa mula sa mga kandidato. Kaya maging wais na tayo sa paghalal ng opisyal para sa ating bayan o lungsod at lalawigan. Iwaksi na ang eleksyon na kuwarta-kuwarta lamang. Dahil sa eleksyon na pera ang naghahari, talo ang bayan.
Oo! sa vote buying walang progreso ang bayan o lalawigan. Dahil ang opisyal na nahalal sa pamimili ng boto, pagkaupo nito ang tanging iisipin nito ay ang gumagawa ng kuwarta, ang mabawi ang milyones na ginastos sa eleksyon. Hindi ito makakapag-deliver ng maayos na social services, at asahan na ang mga proyekto nito’y depektibo. Tumpak!
Kaya sa Mayo 12, ang bayan naman!
***
NAGSASAGAWA na ang Philippine National Police Anti- Kidnapping Group (PNP-AKG) ng manhunt operation laban sa dalawang Chinese nationals na utak sa pagdukot at pagpatay sa negosyanteng si Anson Que at kanyang driver na si Armanie Pabillo.
Naaresto na ng mga awtoridad ang tatlong suspek sa krimen. Isa rito ay Chinese national din.
Sa isang press conference, inihayag ni Brig. General Jean Fajardo, PNP Spokesman, na natunton at nabatid ang pagkakakilanlan ng mga suspek sa ginawang backtracking ng mga imbestigador na humantong sa isang bahay sa Meycauayan, Bulacan kungsaan dinala at pinatay ang mga biktima.
Sa bisa ng search warrant mula sa korte ay nadakip sa Bgy. IV, Roxas, Palawan last Friday ang dalawang Pinoy na kasabwat sa krimen na sina Ricardo Austria David at Raymart Catequista.
Nang maaresto sina David at Catequista, kusa naman raw na sumuko sa mga awtoridad si David Tan Liao na itinuturong utak sa pagdukot kay Que.
Pawang nahaharap ang tatlo sa kasong ‘kidnapping for ransom with homicide’.
Sa isinagawang imbestigasyon, nabatid na ang Chinese suspect ay naaresto narin sa kasong kidnapping sa Angeles City noong 2009 at dawit din sa limang iba pang kidnapping cases sa Metro Manila noong 2022 at 2024, kungsaan ay kasabwat na niya sina David at Catequista.
“Sa pagkakahuli po kay [suspek], mayroon pa po tayong lima pang kidnapping case na maso-solve dahil involved din po si [suspect] doon sa mga insidente po na yan na kungsaan, isa sa mga ginamit po niya ay yung Ford Everest na ginamit sa pagtapon ng bangkay nila Ginoong Anson Tan at Ginoong Pabillo. ‘Yung isa pong sasakyan din diyan sa Bulacan ay isa rin po sa ginamit niya sa lima pa pong kidnapping case,” sabi ni Fajardo.
“Maliban po kay [Chinese suspect] ay may dalawa pa pong Chinese national na kasama sa lugar na pinuntahan po ng ating mga biktima,” say ni Fajardo.
Si Anson Que o Anson Tan ay pinatutubos sa pamilya nito, na sinasabing nagbayad ng P200 million gamit ang ‘bitcoins’ subalit pinatay parin ito.
Teka, bakit hindi nabanggit ni Gen. Fajardo kung nabawi ang P200m? Imposible namang naunos agad lahat ito? Hmmm…
Anyway, congratulations PNP!!!