Advertisers

Advertisers

Phil. Flag sa City Hall inilagay sa half-mast bilang pagpaparangal sa yumaong National Artist na si Nora Aunor

0 18

Advertisers

INILAGAY ang Watawat ng Pilipinas sa Kartilya ng Katipunan sa Manila City Hall sa half-mast nitong Martes bilang pagpaparangal sa yumaong National Artist for Film and Broadcast Arts na si Nora Aunor, noong April 16.

Pinangunahan nina Manila Mayor Honey Lacuna at Vice Mayor Yul Servo ang pagbibigay parangal ng lungsod kay Aunor, pinasalamatan at kinilala ang yumaong aktres sa legacy na kanyang nilikha.

“Maraming salamat, Ate Guy, sa mga alaala, sa sining at sa pagmamahal na iniukit mo sa kasaysayan ng ating kultura. Habambuhay kang mananatiling buhay sa puso ng iyong mga tagahanga at sa sining na hindi kailanman malilimutan,” sabi Lacuna.



“Isang Taos-Pusong Pakikiramay at Pagpupugay kay Nora Aunor…Paalam, aming Superstar. Saludo kami sa iyo!,” dagdag pa nito.

Dumalo sina Lacuna at Servo sa state necrological service na ginawa sa Metropolitan Theater, Manila. Sila ay sinamahan ng iba pang opisyal ng lungsod..Nagbigay ng eulogies ang kapwa National Artist na si Ricky Lee at actor-director Joel Lamangan.

SI Aunor, na Nora Cabaltera Villamayor sa totoong buhay ay hinatid sa kanyang huling hantungan nitong Martes, April 22 sa Libingan ng mga Bayani , Taguig City, kung saan ang mga kawani ng Arm Forces of the Philippines (AFP) ang escort

Ang ibabaw ng kabaong ni Aunor ay nababalot din ng Watawat ng Pilipinas at binigyan ng departure honor na sinundan ng funeral march mula heroes’ gate hanggang sa kanyang tinakdang burial site.

Mula sa pagtitinda ng tubig sa riles ng tren sa Iriga, gumawa ng pangalan at naging malaking bituin si Aunor sa entertainment industry noong 1960s matapos na maging kampeon ito sa Tawag ng Tanghalan at binansagan bilang “golden voice.” Kinalaunan ay sumabak din ito sa pag-arte at kinilala bilang greatest actress ng Philippine Cinema. Ilan sa mga pelikula ni Aunor na humakot at nagbigay karangalan sa bansa ay ang mga sumusunod: “Himala”, “Minsan May Isang Gamu-gamo”, “Ina Ka ng Anak Mo”, “Bulaklak sa City Jail” at “The Flor Contemplacion Story” at iba pa. (ANDI GARCIA)