Advertisers
DAHIL sa pagyayabang at iresponsableng anunsyo ni Presidente Rody “Digong” Duterte, napraning ang ilang miembro ng Gabinete.
Sa kanyang lingguhang ‘public address’ Lunes ng gabi, walang prenong inanunsyo ni Digong na nabakunahan na kontra covid ang ilang miembro ng kanyang Gabinete, mga sundalo at Presidential Security Group (PSG).
Ang anunsyong ito ni Digong ay gumawa ng malaking gulo sa hanay ng concerned agencies dahil hindi pa rehistrado sa Food and Drug Authority (FDA) ang covid vaccine, Sinopharm, na itinurok raw sa ilang Gabinete at PSG.
Ibig sabihin, ito’y iligal! Bawal! Delikado!
Lalo pang lumala ang sitwasyon nang sabihin ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na “smuggled” ang naturang bakuna na ipinanturok sa mga sundalo at ilang Gabinete. Pero ito, aniya, ay “justified”. Ngek!
Naging tama ang mali kay Lorenzana. Anak ng teteng!!!
Target tuloy ngayon ng imbestigasyon at kritisismo ang Bureau of Customs ni “Jager” Guerrero. Hahaha…Wala pang reaksiyon dito si Jager. Nag-iisip pa yata ang mama ng sasabihin kung paano i-justify ang “smuggled vaccine”, kung totoo ngang may nakapasok nang bakuna sa covid sa Pinas nang di alam ng FDA.
Nagmukha namang tanga si Health Secretary Francisco. Hindi aniya alam na nagkaroon ng vaccination sa Armed Forces of the Philippines partikular sa PSG at ilang kasamahan niya sa Gabinete. Yawa!
Mantakin nyo, mga pare’t mare, Health Secretary ‘di alam na nagkaroon ng vaccination sa AFP at ilan niyang kasamahang opisyal sa administrasyon? Napakalaking TANGA!, di ba? Tsk tsk tsk…
Ito pa ang matindi, ang kumander ng PSG na si General Jesus Durante, naturukan ang kanyang 300 tauhan nang ‘di niya alam kung saan nakuha ang bakuna. Hahaha… Animal!
“Hindi ko rin masabi actually eh kung saan namin nakuha iyon, source namin, but maybe someday you’ll find out, you’ll know someday. For now, huwag muna, it could jeopardize itong vaccination program, procurement ng government natin.”
Obviously ang statement na ito ni Durante ay nagmamaang-maangan lang siya o may pinagtatakpan lang na kasinungalingan ng kanyang boss!
In the rescue naman ang sipsip na Senate President Tito Sotto. Aniya, walang batas na nagbabawal magturok ng bakuna na ‘di rehistrado sa FDA. Ang bawal daw ay ang bumili at magbenta nito. Araguy!!!
Pero supalpal ang statement na ito ni Sotto sa Director General ng FDA na si Dr. Eric Domingo. Say ni Eric: Basta’t ‘di dumaan sa DoH at FDA ito ay bawal gamitin.
Nagpasiklab din si DILG Sec. Eduardo Ano. Siya rin daw ay naturukan na. Reak ng netizens: “Wala kaming paki sayo!” Hahaha…
Nadismaya naman ang Filipino Nurses United, asosasyon ng healthcare workers, na mas inuna pa ng gobierno ang mga sundalo’t Gabinete kesa kanilang mga nag-aalaga sa covid patients.
Upang malusaw ang isyung ito, bumira uli si Digong ng panibagong isyu. Isinapubliko ang listahan ng aniya’y mga korap na kongresista sa Pilipinas. Hahaha… Napuruhan agad sina Congw. Josephine Sato ng Occidental Mindoro, ex-Cong. Teddy Baguilat ng Ifugao, Cong. Alfredo Vargas ng Quezon City, Cong. Henry Oaminal ng Misamis Occ., Congw. Alyssa Tan ng Isabela, Cong Paul Daza ng Northern Samar, Congw. Angelina Helen Tan ng Quezon Province, Cong Eric Yap ng ACT-CIS partylist, at Congw. Geraldine Tan ng Bataan.
Banat pa ni Digong. Ginawa niya ito para malaman ng taong bayan. Pero wala, aniya, ebidensiya na mga korap sila. Ngek!
Happy New Year po sa lahat… Kita kits sa Enero 3, 2021.