Advertisers

Advertisers

SA SOBRANG CLOSENESS, HINAMON NA PALITAN NA ANG APELYIDONG MARCOS TO DUTERTE

0 6

Advertisers

Dahil umano sa sobrang closeness,HINAMON ni Vice President SARA si Senator Imee Marcos na palitan na ang kanyang apelyido.

Ito ang sarkastikong alok ni VP Sara Kay Senadora Imee Marcos sa isang caucus sa Tondo,Manila maka-kailan.

Ang ibig sabihin nito ay baka gusto ng palitan ni Sen.Imee ang kanyang APELYIDONG MARCOS na maging DUTERTE.



Pero maski na daw palitan ng DUTERTE ang apelyido ng Senadora ay meron pa ring isa pang mabigat na problema dahil Romualdez pa rin ang middle name nito.

Ang mga Marcos at Romualdez daw kasi ang luma-labas na numero uno nilang katunggali sa larangan ng politika.

Sa situwasyong ito ay pinayuhan na lang ni VP-Sara ang Senadora na maging “as is” at status quo ang kanyang apelyido for the mean time.

Iba rin talaga ang bayubayan ni VP at ng Senadora na nagawang ipagpalit ang sarili niyang kapatid na si PBBM sa panig ng kanilang archrival sa politika.

Sinasabi nq nagmula daw ang hidwaan ng dalawang ito matapos na mag-bitiw ang Senadora sa senatorial line-up ng Partidong Alyansa na si PBBM mismo ang bumuo.



Ang desisyong ito anila ni Sen.Imee ay nabuo matapos ang Isang Senate inquiry hinggil sa pag-aresto kay FPRRD na sinasabi ng una na illegal daw at walang due-process.

Ito ay nangangahulugan lang na sinalungat niya ang basehan ng mayoridad ng Senado at kinalaban na rin niya si PBBM para sa kapakanan ng mga DUTERTE.

Marami ang nagulat sa hakbang at aksiyong ginawa ng Senadora na sa tingin nila ay sobrang pamba-bastos kay PBBM.

Matindi rin anila talaga ang closeness ni VP at ng Senadora na bukod daw sa mag best of friends ay may something in common pa silang nakikita.

Alam natin na walang forever sa larangan ng politika.Walang permanenteng kaibigan,kaalyado at ka-partido,” now you see me later on you don’t”.

Pero very rare ang ganitong situwasyon sa politika, mantakin mong itabla mo ang sariling kapatid just for someone na considered pang number one niyong kalaban sa lahat ng aspeto.

Kung minsan tulog ay hindi na applicable ang legendary saying natin na “Blood Is Thicker Than Water”, di po ba?

Sa puntong ito ay hindi natin maiiwasan na hindi sumama ang loob ni PBBM sa kanyang kapatid ngunit sa kabila ng lahat,ito ay nananatiling kalmado at matatag sa anumang kaganapan.

Ang kapakanan at progreso pa rin ng bansa ang kanyang priyoridad. Iyan ang lalaki, hindi iyakin di tulad ng iba dyan na kung anu-ano ng kabalastugan ang lumalabas sa sariling bunganga,tama ba po?