Advertisers

Advertisers

MONTALBEÑO, KINUYOG NG SUPORTA ANG HOUSE TO HOUSE VISIT NI CONG. ATTY. NOGRALES!

0 16

Advertisers

Posible umanong i-landslide ng mga Montalbeño sa araw ng botohan ang kanilang suporta sa anila’y mahusay at may direksyon na pamumuno sa pagka-kongresista.

Ito’y matapos bahain ng suporta ang back to back na bahay-bahay na kampanya ni Montalban 4th District Congressman Atty. Fidel Nograles sa Brgy. San Rafael at Brgy. San Isidro.



Hindi alintana ng mga residenteng sumama sa house to house visit ng kongresista sa Brgy. San Rafael ang mga pananakot at paninira bagkos naniniwala sila sa tapat na serbisyo, aksyon at bawat desisyon ay una ang kapakanan ng mga Montalbeño.

Maging ang mga residente ng Brgy. San Isidro na kilalang balwarte ng kalaban nito sa karera sa pagka-kongresista sa ikaapat (4) na destrito ay hindi napigilang kuyugin ang house to house visit ni Cong. Atty. Nograles.

Hindi rin naging hadlang ang malakas na buhos ng ulan at masamang panahon sa mga taga-Brgy. San Rafael hanggang sa bahagi ng Brgy. Balite ang di matatawarang suporta at kapal ng taong sumama at nag-abang para batiin at kamayan sa house to house campaign ang kongresista.

Ang mainit na pagtanggap ng mga Montalbeño kay Cong. Atty. Nograles ay base sa malinaw na direksyon ng serbisyo at mas ramdam na may malasakit sa bawat Montalbeño.

Hindi rin magkamayaw sa pagsisigaw ng Nograles, Nograles ang mga residente sa lugar bilang tanda ng kanilang mainit na suporta sa kanyang ikatlong termino sa kongreso.



Nagpasalamat din ang kongresista sa mainit na ipinakitang suporta ng mga Montalbeño, mula Barangay San Isidro, San Rafael at Balite, kasabay ng pangako na ang laban n’ya ay laban ng mga Montalbeño.