Advertisers

Advertisers

5 lalaki, timbog sa drug den sa Nueva Ecija

0 18

Advertisers

Arestado ang 5 kalalakihan,sa isang drug den sa Brgy, Talipapa, Cabanatuan City makaraang isagawa ang buy bust operation ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency at PNP Special Action Force, 9:30 ng umaga nitong Abril 29 2025.

Sa report na tinanggap ni PRO3 Dir. BGen.Jean S. Fajardo kinilala ang mga nadakip na suspek na sina alyas San, 49; alyas Dict, 28; alyas DEL, 32; Son, 29; at alyas Ton, 34-anyos kapwa residente sa nabangit na lungsod.

Base sa paunang imbestigasyon ng mga awtoridad nasa 13 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P88,400.00, assorted drug parahernalia, at buy-bust money.



Samantala detenido ngayon ang mga suspek sa Pdea-3 detention cell habang inihahanda ang kasong paglabag sa RA 9165 na Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.(Thony D. Arcenal)