Advertisers

Advertisers

LIPULIN ANG MGA DUTERTE

0 48

Advertisers

MALINAW ang hangarin ni BBM sa 2025: Lilipulin ang mga Duterte hanggang walang matira sa taong ito. Hanggang walang Duterte ang makaporma sa 2028. Sisiguraduhin niya na walang Duterte ang makakabalik sa poder sa 2028.

DUTERTE FREE PHILIPPINES 2025: ito ang islogan ng administrasyon ni BBM sa taong ito. Ganap na lilipulin sila ngayong taon upang hindi na sila makapaghasik ng lagim at ligalig sa bansa. Uubusin hindi lang ang mga kaanak kundi kahit ang mga alipures na nakadikit at umaasa sa kanila.

Dalawa ang pangunahing galawan upang malipol ang mga Duterte sa bansa. Una, ipakulong si Gongdi dahil sa sakdal ng crimes against humanity na isinampa nina Sonny Trillanes at iba pa laban sa kanya sa International Criminal Court (ICC). Nagkatotoo ito at nandoon siya sa piitan ng ICC sa Scheveningen, Olandiya. Malakas ang sakdal laban sa kanya at inaasahang tatagal siya doon. Marami ang umaasa na hindi na siya makakabalik ng buhay sa Filipinas.



Pangalawa, sibakin sa tungkulin si Misfit Sara. Gumagana ang proseso upang alisin sa poder si Misfit Sara. Sa katapusan ng Hulyo, bubuuin ang Senado bilang isang hukuman na lilitis sa kanya batay sa Articles of Impeachment na nilagdaan ng mahigit 200 kasaping mambabatas ng Camara de Representante. Isinumite ng Camara ang Articles of Impeachment kung saan inakusahan si Misfit Sara ng paglabag sa Saligang Batas at krimen kaugnay sa hindi niya naipaliwanag na pagkawala ng P612 milyon confidential fund na ipinagkatiwala sa kanya bilang pangalawang pangulo at kalihim ng Deped.

May mga isyu dito dahil sa mga galawan sa pangunguna ni Tsis, pangulo ng Senado, na iantala ang proseso upang hindi agad matanggal sa puwesto si Misfit Sara. Nahalata na kumampi si Tsis sa pangalawang pangulo dahil sa maling interpretasyon niya sa probisyon ng Saligang Batas. Ipinilit ni Tsis hindi “kaagad” ang kahulugan ng salitang “forthwith” sa Konstitusyon. Ang ibig sabihin ay maaari niyang ibalam ang proseso ng paglilitis ni Misfit Sara. Tanging si Tsis ang may ganyang interpretasyon. Kakatwa at kakaiba ang paninindigan ni Tsis sa isyung iyan.

Ganap na minamatyagan si Tsis ngayon dahil maraming puwersang pulitikal ang hindi sang-ayon na siya ang magdikta kung paano tatakbo ang paglilitis ng Senado bilang impeachment court kay Misfit Sara. Hindi siya nakikita bilang isang malayang mambabatas na magiging patas ang trato sa paglilitis. May mga naghihinala na may nakatagong ibang pakay si Tsis. Kilala siya sa pulitika ng oportunismo at hindi siya mangimi na gamitin ang poder ng pangulo ng Senado upang iabante ang sarili.

May hinala na nais ni Tsis na maging pangulo sa 2028 at gagawin ang lahat upang lumutang ang sarili bilang isang seryosong kandidato sa 2028. Batid niya na walang pupuntahan si Misfit Sara at nais niyang kunin ang puwang niya sa larangan ng pulitika ng bansa. Nais niyang kunin ang mga taga-suporta ng mga Duterte sa bansa.

Hindi lang sa Senado nahaharap si Misfit Sara. Kung magdesisyon ang Senado na tanggalin siya sa poder bilang pangalawang pangulo, hindi a siya maaaring tumakbong pangulo sa 2028. Bale-wala na siya sa pulitika. Isa rin si Misfit Sara sa mga nabanggit na maaaring isyuhan ng arrest warrant ng ICC kaugnay sa kanyang papel sa madugo pero palpak na giyera kontra droga ni Gongdi.



Kasama rin sa mga nabanggit sina Bong Go at Bato dela Rosa, ang dalawang senador na kahit manalo sa halalan sa Mayo 12 ay maaaring hindi makabalik sa Senado dahil kasama sila sa sakdal sa ICC. May mga biro na maaaring sa piitan ng ICC umupo sina Bato at Bong Go at hindi sa Senado. Parehong kinakabahan ang dalawang alipures ni Gongdi. Nabalita na si Bong Go ang gumugol sa mga survey kung saan siya ang nangunguna sa pagka-senador.

Kasama ang halalan sa Mayo 12 bilang daan upang ganap na malipol ang mga Duterte. Hindi nakakasiguro si Polong at Baste Duterte sa halalan sa Davao City. Tumatakbong kinatawan ng unang distrito ng Davao City si Polong ngunit hindi siya nakakasiguro ng panalo sa kalaban na si Migs Nograles. Hindi rin nakakasiguro si Basta na tumatakbong bise alkalde ng amang si Gongdi na nakakulong sa ICC.

Kapag naubos ang mga Duterte sa 2025, hindi na sila makakaporma sa 2028. Matatapos ang kanilang paghahari sa pulitika ng bansa. May mga ilang pulitiko ang lumulutang ngayon ngunit ibang usapan ito, sa totoo lang. Tatalakayin naming ito sa ibang araw.

***

MAAARING iturin na pagpapatiwakal ang pagmumura ni Misfit Sara kina Kin. Benny Abante, Joel Chua, at Rolando Valeriano sa isang miting upang suportahan umano si Isbo Moreno na tumatakbong alkalde ng Maynila. Minarapat na hindi sumagot ang tatalo dahil walang matwid sagutin ang bumubula ang bibig sa galit na pangalawang pangulo.

Ipinakita lang niya na butangero siya at wala siyang napatunayan upang aging susunod na pangulo ng bansa. Tapos na si Misfit Sara.