Advertisers

Advertisers

‘CIA with BA’: Metro ng tubig, kailan makakabit?

0 5

Advertisers

DUMULOG si Snooky sa programang ‘CIA with BA’ para ibahagi ang kanyang problema tungkol sa matagal nang pagkakabit ng metro ng tubig mula sa Maynilad. Sa segment na “Alan Aksyon Agad”  ikinuwento niya ang naging karanasan.

“Nag-apply po kami [para makabitan ng metro ng tubig] noong November. Tapos December po, binigyan kami ng resibo para makapagbayad na po. Nabayaran naman po namin, kaso hanggang ngayon, wala pa po kasing tubig,” pahayag ni Snooky.

Mula Disyembre hanggang Marso, sa kapitbahay muna sila kumukuha ng tubig upang matustusan ang kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.



Agad na kumilos ang team ng host na si Sen. Alan Cayetano, sa pangunguna ni Larry, upang makipag-ugnayan sa Maynilad at alamin ang dahilan ng pagkaantala.

“Kinausap kami ni Sir Joey at ng OIC nila. Inexplain nila kung bakit natagalan. Sabi nila, do’n sa area nila [Snooky], mahina ‘yung pressure ng tubig,” kwento ni Larry. Aniya pa, may account na si Snooky at nakasigurado na silang makakabitan, ngunit kailangan munang palitan ang mga lumang metro sa kanilang lugar.

Sa muling pag-iimbestiga ng Maynilad, napag-alaman na maaari na pala itong ikabit mismo sa tapat ng bahay ni Snooky. Kaya naman, sa wakas, natupad na ang matagal nilang inaasam — nakakabit na ang kanilang metro ng tubig.

Bukod dito, nang matuklasan ni Kuya Alan na dati silang may maliit na tindahan, nangako ang programa na tutulong din upang muling buhayin ang kanilang kabuhayan.

“Kung may problema sa inyong lugar, ito ang deal natin, ‘wag kayong mahihiyang magsabi na may problema, hindi kami mahihiyang magsabi kung kaya namin o hindi, pero sa abot ng aming makakaya, bibigyan namin ng aksyon at solusyon kaagad,” mensahe ni Kuya Alan sa mga manonood.



Kasama ng King of Talk na si Boy Abunda, ipinagpapatuloy ni Kuya Alan ang legacy ng yumaong ama na si Senator Rene Cayetano sa ‘CIA with BA.’ Umeere ito tuwing Linggo ng alas-11:00 ng gabi sa GMA7, at may replay sa GTV tuwing Sabado ng 10:30 ng gabi.