Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
BUKOD sa pag-aartista at sa kanyang Releaf Massage and Nail Spa na matatagpuan sa 3rd floor ng Arbortowne Plaza sa Gen T. Karuhatan, Valenzuela City, may bagong business venture ang male star na si Andrew Gan.
Ito ay ang gasolinahan na EcoEnergy na eco-friendly fuel products.
Mga kasosyo dito ni Andrew ang mga childhood friends and schoolmates niya sa Philippine Cultural High School na sina David Dai, Chan Yik Yeung, Alvin Lam at Alex Ortiz.
Bakit naisipan ni Andrew na pasukin ang negosyo ng gasolinahan?
Aniya, “Aside from my friendship kasi ako naniniwala ako kumbaga daily, kumbaga every day na buhay ng tao is kailangan ng transportation para makapunta sa trabaho, makauwi sa pamilya natin.”
Gusto rin daw ni Andrew na makatulong sa mga tricycle at jeepney drivers sa pamamagitan ng mas murang presyo ng de- kalidad na gasolina.
May hakbang ba sila para maipasok sa mainstream market ang kanilang EcoEnergy gasoline?
Ani Chan, “Ang plan namin is, aggressive lang kami mag-open ng mga new branches para makita ng mga tao.”
Lahad naman ni David, “Also, in terms of pricing kasi competitive kami compared sa iba, kung napansin ninyo yung price namin, competitive din.”
“Sa area kami yung pinakamura, kasi ang pricing laging based sa area e,” wika naman ni Alex.
At nilinaw nila, ang EcoEnergy fuel ay puwede sa lahat ng klase ng sasakyan.
Lahad pa ni David, “Yes, yes. Actually, ang products namin, we make sure yung quality. Hindi kami bumibili ng, actually maraming nag-o-offer, also yung tinatawag na paihi.
“To be honest, ang products namin, kinukuha namin from one of the big suppliers dito.
“Hindi kami bumibili sa mga smuggled. Technically, ang smuggled niya is parang technicality is smuggled, hindi siya totally smuggled.
“So hindi kami naglalagay ng mga ganung produkto sa station namin kasi we make sure na yung products namin is of quality.
“Kasi siyempre we’re building our name, so kung magpapasira kami sa produkto, paano namin mabi-build up yung name?”
Ang lokasyon, lalo na sa mga main roads, ang una nilang kinukunsidera sa pagtatayo ng branches ng EcoEnergy.
Ano ang advantage ng EcoEnergy sa ibang gasoline?
Lahad ni David, “To be honest we make sure yung quality ng products namin, yung pricing.
“Customer service, tine-train namin yung mga tao na mabilis na mag-pump tsaka tama yung products.”
One hundred percent daw na maayos para sa mga sasakyan ang EcoEnergy, kumbaga sa gamot, walang masamang side effects.
Parang Generika, mura pero epektibo ang mga gamot, ganun ang gasoline sa EcoEnergy gasoline station.
May tatlong branches na ang EcoEnergy gasoline station; sa Fernando Poe Avenue (malapit sa Fisher Mall sa Quezon City), sa North Caloocan kung saan kasosyo si Andrew, at sa Pulilan, Bulacan.
Bukod sa pagiging shareholder at celebrity endorser ay nasa marketing side rin si Andrew ng EcoEnergy.