Advertisers

Advertisers

Gen Quesada at Col Revita, tuluyan nanga bang nabulag sa ‘tongpats’ sa sugal lupa sa Oriental Mindoro (Part 6)

0 5

Advertisers

HUWAG sanang ipag-walang bahala nina Oriental Mindoro provincial director PCOL EDISON REVITA at MIMAROPA regional director PBGEN. ROGER QUESADA na simula umano na maluklok sa nasabing rehiyon at probinsya ay wala pang ni isang bigtime na gambling operator/lord ang naaresto ng mga ito sa kabila ng lantarang gambling operation.

Patuloy umanong naghahasik ng kasamaan at pumupuksa sa pamumuhay at kaisipan ng mamamayan at kabataan ang mga kilala at bigtime na gambling operators sa lalawigan ni Governor Humerlito “Bonz” Dolor na ilang taon ng inerereklamo ng mga residente sa kanilang mga tanggapan.

Napag-alaman ng pitak na ito na kaya naging bulag ang mga nabanggit na PNP officials dahil sa diumanoy P300k hanggang P500k na “good will” ng bawat peryahan na nag=ooperate ng iligal na sugal sa pamamagitan nina alyas Sgy Goco, Sgt. Manalo at Sgt Nonoy na diumanoy mga sagradong tauhan ng S2 at R2 bukod pa umano ang lingguhang intelihensya.



Hanep, kung ganito kalaki ang “good will” na hinihingi ng mga KOLEKTONG sa bawat gambling operator ihalimbawa natin ang 30 operator na magbibigay ng P300k per head pumapatak na P9-M at sa dami ng mga nakalatag na perya kahit sinong opisyal ng pamahalaan ay mabubulag talaga sa halagang ito?

Ayon sa reklamo ng ilang public teacher mistula ng legal ang mga naglipanang peryahan na may sugal sa Oriental Mindoro na hindi maipaliwanag na dahilan kung bakit lantad ang sugalang ito gabi-gabi sa labing apat na bayan at isang siyudad lalo na sa mga liblib na lugar.

Sinabi nila na nakikita nila gabi-gabi na naka tambay sa mga sugalan ang mga kabataan na edad 12 anyos pataas na tumataya ng P500 hanggang P2000 sa drop ball baraha at color games.

Giit nila hindi magandang impluwensiya ang natututunan ng mga kabataan sa nasabing mga peryahan na inaabot ng madaling araw ang operasyon.

Anila bago pa man tuluyang malulon sa bisyo ang mga kabataan ay agad na umaksyon ang local authirities hingil sa nasabing ilegal na aktibidad na kinahuhumalingan ng maraming kabataan at estudyante.



Nanawagan din sila kay Oriental Mindoro DepEd Division Superintendent Dr. Maria Luisa D. Servano CESO V1 at DepEd Sec. Sonny Angara na gumawa ng aksyon.

Dahil diyan, nagpahayag din ng pagkadismaya ang ilang sektor sa lalawigan gaya ng mga samahan ng kababaihan, parents and teachers association at simbahan hinggil sa mga salot at hindi masugpo na iligal na sugal kaya nais nila nasa pamamagitan ng pitak na ito ay maipaabot kay PNP Chief, Rommel Francisco Marbil at DILG Secretary Jonvic Remulla ang kanilang petisyon na ipatigil ang talamak na presensya ng iligal na sugal na kung tawagin ay Pergalan (Perya-sugalan).

Nabatid ng BALYADOR na maging ang mga kaparian, pastor at mga religious sector ay tumutuligsa din sa naturang sugalan na animoy mga mini casino na matatagpuan sa mga liblib at bayan ng Bulalacao, Bongabong, Bansud, Mansalay, Roxas, Socorro, Gloria, Pinamalayan, Pola, Victoria, Naujan, San Teodoro, Baco, Puerto Galera, at Calapan City na protektado ng mga matataas na opisyal ng kapulisan at pulitiko ang mga sugalang ito.

Samantala ayon sa impormasyon hindi lamang mga matataas na opisyal ng PNP sa Oriental Mindoro na nasasangkot sa daang libong pisong GOOD WILL at INTELIHENSYA kundi maging ang pamunuan ng National Bureau of Investigation (NBI-MIMAROPA) sa pamamagitan umano ng kolektong na alyas Von?

Infairness naman sa mga nabanggit na opisyal baka nga hindi nila ito alam?

Tutukan natin kaya wag kayong bumitiw dahil ika- 6 na yugto na ito ng pagbubunyag…Subaybayan!