Advertisers
Sa nalalabing dalawang linggo bago ang halalan sa Mayo 2025, ipinagpatuloy ni reelectionist Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr. ang kanyang kampanya sa mga lalawigan ng Mindanao, na kinabibilangan ng Lanao del Norte, Sarangani, Bukidnon, at Davao del Sur.
Sa Lanao del Norte noong Abril 28, nakipagpulong si Revilla sa mga emergency responders sa MCC Complex sa Tubod, at nag-courtesy call sa pamilya Dimaporo na sina Governor Angging Dimaporo, Congressman Khalid Dimaporo, at Congresswoman Sittie Dimaporo, kasama ang 21 lokal na opisyal.
Sumunod siyang nagtungo sa Sarangani kung saan sinalubong siya nina Governor Ruel Pacquiao at Congressman Steve Solon. Isang motorcade ang isinagawa sa General Santos City na dinaluhan ng mga residente sa kalsada.
Kinabukasan, Abril 29, nagtungo naman si Revilla sa Bukidnon at nakipagkita kina Governor Oneil Roque, Congresswoman Laarni Roque, at Congressman John Flores, pati na sa mga alkalde ng lalawigan. Nagkaroon din siya ng motorcade sa Valencia City at personal na binisita ang palengke ng lungsod.
Sa Davao del Sur, nakipagpulong ang senador kay Mayor Tata Sala ng Sta. Cruz, kasama ang mga pangunahing pinuno mula sa Davao Oriental, Davao de Oro, at Davao del Norte. Tinapos niya ang dalawang araw na pag-iikot sa pamamagitan ng motorcade sa Davao City.
Matagal nang itinuturing ang Mindanao bilang balwarte ni Revilla, na nagpanalo sa kanya noong 2010 at sa kanyang pagbabalik-Senado noong 2019.
Patuloy ang kanyang pangako sa serbisyo publiko sa rehiyon, kabilang ang mga programa para sa mga Muslim at sa kapakanan ng mga Mindanaoan.