Advertisers

Advertisers

Matinding galit ni Sara sa ilang mambabatas ng Maynila

0 10

Advertisers

KUNG bakit nagngingitngit si Vice President Sara Duterte-Carpio kay Manila 3rd District Representative Joel Chua at ilang mambabatas ng Maynila ay dahil sa mga pagkalkal nila sa mga dokumento hinggil sa maling paggamit ng confidential funds ng Office of the Vice President (OVP) at ng Department of Education (DepEd).

Si Chua kasi ang chairman ng komite ng Kamara na naglantad ng kinukuwestiyong paggastos sa P612.5-milion confidential funds ni VP Sara mula 2022 at 2023, kabilang dito ang P125 milyon na ginastos sa loob lang ng 11 araw. Uulitin ko… nilustay ng 11 DAYS!

Kasama rin si Chua sa 11 miyembro ng House prosecution panel sa impeachment trial ni Sara na magsisimula sa Hulyo 31, kungsaan ang una ang natokang bumusisi sa paggastos ng Bise Presidente sa P612-5-million confidential funds nito—na hanggang ngayon ay hindi magawang ipaliwanag nito. Tsk tsk tsk…



Bukod kay Chua, nauna nang ginawang katatawanan ni Sara ang isa pang kongresista ng Maynila, si 2nd District Rep. Rolando Valeriano, na bagamat hindi niya pinangalanan ay inilarawan niya na: “sa sobrang laki ng leeg niya naiipit na ‘yung boses niya.” Hahaha!!!

Matatandaang privilege speech ni Valeriano noong Setyembre 3, 2024 laban sa panukalang 2025 budget ng tanggapan ni Sara, kaugnay ng kuwestiyonable at limitadong pagpapatupad ng aid programs ng OVP, ang naging susi para maitatag ang komite ni Chua na naglantad sa paggastos sa secret funds ng Bise Presidente.

Ilan lang ito sa mga rason kung bakit matindi ang galit ni Inday sa mga mambabatas ng lungsod ng Maynila.

Pero dedma lang kina Chua ang mga atake ni Sara. Tututukan nalang anila ang kanilang kampanya bilang reelectionist. Tama!

***



12 days nalang po, eleksyon na! At hanggang May 10 nalang ang kampanya ng mga kandidato. Dahil ang May 11 ay araw ng “gapangan”. Hehehe…

Wish natin sa eleksyong ito, magising na ang Pilipinas. Ibasura na ang eleksyong kuwarta-kuwarta nalang. Dahil sa praktis na pera-perang eleksyon, talo ang banwa! Dahil ang mga politiko na nahalal sa pera, ito’y walang ibang gagawin pagkaupo kundi ang gumawa nalang ng kuwarta, ang mabawi ang milyones niyang ginastos sa eleksyon at mabayaran ang mga utang sa kontraktor. Mismo!

Kaya Pilipinas… gising!!! Magboto ng tama, itama ang boto. God bless sa ating lahat…

***

Hindi na katakataka para kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Atty. Claire Castro na naniniwala si Sen. Imee Marcos na isang “group effort” ang pag-aresto kay dating Pangulo Rodrigo Duterte.

Sinabi niya sa press briefing ng Malacañang na makikita na kung ano ang magiging opinyon ng senadora, na kapatid ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., bago pa magsimula ang imbestigasyon niya.

Tama si Castro! Huwag nang paniwalaan si Imee!!!