Advertisers

Advertisers

‘SABA DIHA’

0 7

Advertisers

MAINIT ano habang palapit ang “ora de peligro” tumataas ang temperature sa eleksyon. Maging ang estilo ng pangangampanya ‘sing igting na ng init sa darang. Ngunit huwag mag-alala mga giliw na mambabasa, nagbabadya na ang tag-ulan na panghimasmas ng nagbabagang init. Maliban lang sa estilo ng pangangampanya, at nakasanayang putik na ibinabato.

Kakaiba talaga ang amoy ng putik na nanggagaling mula sa kampo ng kapanalig ni Inday Sara. Hindi lang madumi, bagkus labis na mabaho. Huwag magtaka. Gawain ng mga Duterte ang maruming lumaro sa pulitika.

Ang lahat ng nadidikit sa kanila, hindi naaalis ang baho ng pangangatawan kahit buhusan pa sila ng pabango o alkohol. Naniniwala ako na ang Pilipino ay hindi bastos, lalo na hindi mabaho! Nakakalungkot na ang kabahuang ito ay namumutawi mula sa bunganga ng pangalawang pangulo! Sa salitang Bisaya saba! Saba diha!



***

UMIINIT ang isyu na kinakaharap ng Prime Water. Sa pagkakaintindi namino, isang “service provider” ang PrimeWater Services na pag-aari ng angkan ng mga Villar. Tulad ng PLDT, Globe, Meralco, layunin ng PrimeWater ang maghatid ng kaukulang serbisyo sa kanilang klyente. Amg serbisyo ay malinis na tubig na inihahatid sa bawat tahanan sa pamamagitan ng mga tubo na ginagastos nila bilang bahagi ng serbisyo!

Unti-unting pinapasok ng pamilya Villar ang industriya ng essential services tulad ng tubig na dumadaloy sa mga tahanan. Ngunit pinipigil nila ang tamang supply ng tubig sa mga tahanan. Paglabag ba ito sa batas?

Sa opinyon naming, nilabag ng PrimeWater ang karapatan ng mga mamamayan sa malinis at tamang supply ng tubig. Kaya nagsusumamo ako sa inyo, huwag iboboto ang sinuman sa Villar. Huwag iboto si Camille na tumatakbong senadora sa May 12.

***



PUMUTOK ang balita na pinasok at inangkin ng pulahang tsina ang Sandy Cay na bahagi ng teritoryo ng Pilipinas! Wait a minute kapeng mainit, dahil ito ay pawang kabulaanan lang at bahagi ng ginagawang taktikang pusit ng peking.

Kinatigan mismo ito ni Jonathan Malaya ng National Security Council at Commodore Jay Tarriela, tagapagsalita ng Philippine Coast Guard sa usapin ng West Philippine Sea. Pinuntahan ito ng isang “composite team” ang Sandy Cay at nakitang walang bahid ng katotohanan ang paratang.

Napanatag ang kalooban namin ngunit hindi tayo dapat papetik-petik. Hindi tumitigil ang pulahang tsina sa gawain nila. Ang kanilang mga kasapakat ay walang pigil sa ginagawa nila. Sasang-ayunan ko si Heneral Romeo Brawner na manatili tayong maagap.

Taksil ang pla. Taksil ang pulahang tsina. Kahit sanay tayo na inuusig, kahit sanay tayo sa mga pambubully ng mga intsik, hindi tayo matitinag. Manatiling nakahanda tayo at nananalig, na nawa’y hindi hahantong sa pagdanak ng dugo. Kasihan nawa tayo at Mabuhay ang Pilipinas!

***

ISA sa mga bato sa loob ng sapatos ng administrasyon na ito ay si Harry Roque. Mula sa pagiging human rights lawyer naging lawyer for all the wrong reasons matapos naging pro-Duterte ito. Ngayon ang mundo ni Roque ay lalong lumiit nang humarap siya sa kasong qualified human trafficking.

Kasalukuyang humihingi siya ng asilo ngunit nagdududa ang inyong abang lingkod kung mabibigyan siya nito. Patunay na totoo ang kasabihan kung anong taas ang lipad, ganoon kalakas ang lagapak. Parang naririnig ko ang tinig ng kanta ni Boy George. Karma Karma Karma Karma Karma Chameleon.

***

mackoyv@gmail.com