Advertisers

Advertisers

Attention SDS Guemo at Elem School Principal Mam Rico paki-imbestigahan ang 2 mataas na katungkulan na guro sa pagpabor sa isang kandidato sa pagka-Mayor sa lalawigan ng Albay?

0 20

Advertisers

May nakarating na sumbong ang Usapang HAUZ mula sa grupo ng Concerned Teachers mula sa Probinsiya ng Albay sa Bicol Region hinggil sa dalawang mataas na opisyal ng Department of Education (DepEd) na may pinapaborang kandidato sa pagka Alkalde ng isang bayan.

Base sa panuntunan ng Commission on Election maging ang kagawaran ng Education ay mahigpit ang tagubilin sa mga guro at lalong lalo na sa mataas na katungkulan tulad na lang ng Principal at School Division Superintendent na huwag na may papaboran sa mga kandidatong politiko.

Para sa ikalilinaw ng artikulong ito ay kailangan nating mabigyan ng espasyo ang naturang sumbong para sa malayang pamamahayag.



Ito po mga Ka Usapang HAUZ ang nilalaman ng sumbong, Dalawang mataas na pwesto ng pagiging guro sa siyudad ng Ligao city na dapat ay hindi nakikilahok o pumapanig sa sinumang partido o kandidato sa pagka mayor ng Ligao City.

Itong naturang dalawang mataas na opisyal bilang guro, ay tahasan o hayagan nanghihikayat at nananakot sa mga kapwa nila guro na mag sisilbing board of canvasser na maging pabor o maging partisan sa grupo o sa lineup nang presenteng mayor sa darating na election may 12,2025 sa siyudad ng Ligao, probinsya ng Albay.

Sa pamunuan ng DEPED, sa kagalang galang na tanggapan ng SILG, para sa kaalaman ng Regional Director ng PNP sa Region V, at Provincial Director ng PNP sa lalawigan ng albay, at maging sa Chief of Police ng siyudad ng Ligao, at maging sa provincial officer ng CIDG Albay, humihingi po kami nang iyong atensyon ukol sa impormasyong aming nakalap.

Pakibigyan nyo po ng nararapat na aksyon at atensyon ang dalawang nasabing guro, ayan po mga Ka Usapang HAUZ ang nilalaman ng sumbong.

Kung kaya’t nais ng Usapang HAUZ na idulog ang nasabing sumbong kay Nhympa D. Guemo na siyang School Division Superintendent ng SDO Ligao City, Albay upang maaksiyunan ang nasabing problema.



Bagamat hindi binanggit ng grupo ng mga teachers kung sino ang kanilang nirereklamong guro na mataas ang posisyon ay baka sakaling kakilala o kaya’y nabababalitan nitong si Crisencia A. Rico na siyang Principal ng Barayong Elementary School hinggil sa pagpabor sa tumatakbong mayor sa Siyudad ng Ligao ang kapwa niya naglilingkod sa DepEd.

***

Para sa Inyong Puri at Puna maaaring mag email sa cesarbarquilla2014@yahoo.com o tumawag or mag text sa 09352916036