Advertisers

Advertisers

ABP PARTYLIST MAGBIBIGAY NG 1 MILYON PISO ’REWARD MONEY’ LABAN SA KILLER NI BACUD

0 51

Advertisers

NAGLILIYAB ngayon sa galit ang damdamin ng grupo, Ang Bumbero ng Pilipinas Party-List matapos ang pagpaslang sa dating chairman ng Barangay 435, Zone 44 ng Sampaloc, Manila at 3rd nominee na si Lenin Bacud, na kinikilalang tapat na lingkod-bayan, tagapagtaguyod ng kapakanan ng mga bumbero, at isang Pilipinong may malasakit sa kapwa.

Sa isang pulong balitaan na ginanap sa ABP National Headquarters, lungsod ng Pasay, nagluluksa ang grupo at mariing kinukondena ang pagpanaw ni Chairman Lenin noong Lunes, April 28,2025 na walang-awang pinagbabaril ng riding-in-tandem sa Sampaloc, Maynila.

Ayon kay Dr. Jose Antonio’ Ka Pep’ Ejercito Goitia, 1st nominee ng ABP Partylist, ang kasamaan na ito ay hindi lamang laban sa isang tao kundi ito ay isang atake sa kanilang mga pangarap at adhikain. Nananawagan din ang grupo sa lahat ng mga awtoridad at mga law enforcers na magsagawa ng masusi,mabilis at makatarungang imbestigasyon upang makamit ang tunay na hustisya ni Chairman Lenin.



Idinagdag pa ni Goitia na maglalaan siya ng pabuya o ‘reward money’ na isang milyon piso o maaaring madagdagan pa ito para sa makapagtuturo sa mga awtoridad kung sino ang tunay na responsable o nasa likod ng karumaldumal na krimen.

Bagama’t mayroon umanong pinagdududahan ang grupo kung sino ang mga posibleng sangkot sa krimen ay ipinauubaya na nila ito sa mga awtoridad at umaasa na sa lalong madaling panahon ay malulutas agad ang kaso.

Nanawagan din si Ka Pep sa lahat ng tagasuporta, kaibigan at kasapi sa komunidad na samahan ang ABP na magkaisa sa layunin at determinasyon na ituloy ang laban ni Chairman Lenin para sa kinabukasang kanyang pinapangarap. (JOJO SADIWA)