Advertisers

Advertisers

Pasigueños nabudol ng Mayor?

0 399

Advertisers

Ang pagpapagiba ng mga gusali o estblisimiyento ay libre lamang sa mga DEMOLITION CONTRACTOR subalit ang PASIG CITY GOVERNMENT ay pinaglaanan pa o gagastusan pa ng P250 milyon para sa pagpapagiba ng kanilang CITY HALL.., NABUDOL ba ang mga PASIGUEÑO ni MAYOR VICO SOTTO?

Sa pagpupunto ng nagmamay-ari ng QUADRUPLE “A CATEGORY” ST. GERRARD CONSTRUCTION na si KUYA CURLEE DISCAYA ay libre ang demolition works sa mga CONTRACTOR na ang tulad sa pagpapagiba ng PASIG CITY HALL ay susunggaban ng mga DEMOLITION CONTRACTOR at mag-aalok pa na babayaran ng P10 milyon ang CITY GOVERNMENT sa kundisyong ang lahat ng scrap ay aangkinin ng CONTRACTOR.

“Saan ka pa? Babayaran ng demolition contractor ang mga scrap sa city hall ng P10 milyon kesa pagkakagastusan pa ang pagpapagiba na si Mayor Vico e naglaan pa ng P250 milyon para sa demolition works gayung dapat e libre lang ang pagpapagiba sa demolition contractors,” pagpupunto ni kuya Curlee.



Bukod diyan, ang pagpapagawa ng bagong PASIG CITY HALL na P9.6 bilyon at tatapusin umano ng 2-taon ay imposible dahil ang P9.6 bilyon project ay 6-taon ang constructions para sa polido at matibay na istraktura.., na kung tatapusin ng 2-taon ay trabahong pag-aapura na ang magiging resulta ay ampaw na gusali.

Ang konsepto sa ipinagagawang bagong city hall ay kayang tapatan sa halagang P3.5 bilyon na ang resulta ay kasing-bongga sa konsepto ng P9.6 bilyon.., malaki ang matitipid na ang perang matipid ay magagamit na dapat sa pagpapatayo ng ospital at dagdag pag-aralan sa kanilang siyudad ayon kay KUYA CURLEE.

Sa puspusang kampanyahan naman ngayon sa naturang siyudad ay libre na ang MEDICATION at PAGPAPAOSPITAL ng mga PASIGUEÑO partikular na sa mga kapus-palad nilang mga kalunsod.,

yan ay kung mayorya sa kanilang mga botante ay si ATE SARA DISCAYA at ang buong team ng KAYA THIS ang kanilang ihahalal sa darating na May 12 ELECTIONS sa ating bansa.

Bulalas nga ng ilang mga residente ay kawawa na sila sa kabuhayan ay lalo pang hinahamak ang pag-trato sa kanila kapag nagpapaospital na kadalasa’y sa monoblock lamang nakaupo ang mga pasyente dahil wala silang kakayanang magbayad para sa private room ng ospital.



Sa naging pangangampanya ng Team KAYA THIS sa mga residente sa ROSEMARY LANE, BARANGAY KAPITOLYO ay ipinunto ni PASIG CITY MAYOR CANDIDATE ATE SARA DISCAYA.., na ang kanilang plataporma ay ang pagpapahalaga sa kalusugan ng mamamayan kaya kinakailangang makapagpatayo ng high rise 11-storey hospital building sa kanilang lungsod na libre at walang gagastusin ang mga magpapagamot at magiging mga pasyente mula sa simpleng sakit, dialysis, MRI at maintenance medicines lalo na sa mga SEÑOR CITIZEN ay ZERO BILLINGS na para sa mga PASIGUEÑO!

Wowww.., sana all o kaya e magkaroon din sana ang QUEZON CITY na FREE MEDICATION at HOSPITALIZATION dahil marami rin akong kamag-anakan sa naturang lungsod na ang kategorya ng kanilang pamumuhay ay ‘5-kahig isang biyaya” at ang ilan ay “10-,kahig isang biyaya” o sa paglalarawan ay mga mahihirap na pamilya!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com para sa inyo pong mga panig.