Advertisers

Advertisers

Bilib Ako Kay Leila de Lima

0 10

Advertisers

Ni Oggie Medina

SECOND year na ako sa kolehiyo sa De La Salle University-Manila nang magtapos si Leila de Lima ng pag-aaral noong 1980.

Estudyante palang ako hanga na ako sa kanyang katapangan at katatagan ng loob. Nagtapos siya ng AB History at Political Science. Kumuha siya ng abogasya sa San Beda College of Law at nagtapos noong 1985, salutatorian. Naging topnotcher din siya sa bar exam. Isa siyang Bicolana katulad ng mga first cousin ko.



Nagkita kami noon sa La Salle Green Hills para sa isang misa. Nalungkot ako nang siya’y siniraan at kinulong. Masaya ako nang siya’y nakalaya na sa mga maling paratang.

Minsan dumalo siya sa grand finale ng Juan Luna Isang Sarswela sa St. Scholastica’s College sa Maynila. Ito’y sa pagtatanghal ng Philstagers Foundation sa pangunguna nina Vince Tanada at Johnrey Rivas.

Kahit nasa Estados Unidos na ako ay tumugon siya sa aking mga katanungan ukol sa nalalapit na Mother’s Day.

Wika niya, “Motherhood is ‘radikal na pagmamahal’. It is a radical kind of love because it challenges systems. As mothers, we advocate in classrooms, in hospitals, in public spaces. We demand better for our children even when it means speaking up against authority or norms. We learn, we unlearn, and we fight—for inclusion, for safety, for dignity. It is radical because it transforms us, our children, and the world around us. Motherhood is really a constant choice to love, protect, guide, and fight not just for our children but for a better future.”