Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
NAGLABAS ng kanyang saloobin si Kyline Alcantara tungkol sa mga pinagdaraanan niya sa April 2025 edition ng Cosmopolitan Philippines na may titulong “It’s Hot Girl Summer For Kyline Alcantara, But She’s Keeping Her Cool.”
Aminado ang dalaga na hindi madali para sa kanya ang pagharap sa mga challenges na dumarating sa kanya tulad ng mga pambabatikos at pangnenega sa kanya ng mga haters/bashers sa social media, kabilang na riyan ang pakikialam sa kanyang personal life.
“I just protect my peace. There are days when you cannot just silence the noise, it’s drowning.
“But, you cannot just sink, you need to focus again and float above the surface by listening to the voices that matter to you,” ang pahayag ni Kyline na kontrobersyal ngayon dahil sa breakup nila ni Kobe Paras.
“I’ve been bashed for the things that I did not say or do, or because I decided to upgrade myself, or just because I tried too hard.
“But, I was judged already before I even opened my mouth, so I’d rather have my small circle know my truth than be open in public and still be judged and bashed for it,” katwiran pa niya.
Pagpapatuloy pa niya sa naturang panayam,”Kahit anong sabihin n’yo sa akin, it’s okay as long as my intentions are clear. I know my truth.
“And I know that my truth is the truth. You may have your own side of the story, but my truth is the truth,” diin pa niyang sabi.
Feeling ni Kyline, wala siyang dapat ipaliwanag sa publiko, “I really don’t have to explain myself. You can say whatever you want about me as long as alam ni God, alam ng Panginoong Diyos kung ano talaga nasa puso ko.
“Kung ano talaga ‘yung nangyari. I am comfortable with that. I can sleep peacefully at night with that. I can live with that,” aniya pa.
***
KAHIT minsan ay may pinagdaanan ang relasyon ni Zsa Zsa Padilla sa longtime partner nito na si Architect Conrad Onglao, nalagpasan naman nila ito at masayang namumuhay sa Farm Esperanza sa Lucban Quezon.
Madalas maipakita ng singer-actress sa kaniyang vlog ang simple pero tahimik niyang buhay kapag nasa probinsya. Kaya naman nang matanong ang tungkol sa kasal ay wala na raw itong plano. Tama na raw ang maraming taon nilang pagsasama.
Sey ng singer-actress, okay na raw sila ni Conrad sa sitwasyon nila ngayon at pakiramdam nila ay hindi na para sa kanila ang tungkol sa kasal dahil secured naman na sila sa kanilang buhay at kani-kanilang career. Maayos din daw ang kanilang pagsasama kahit na walang marriage contract.
Pero kwento niya, gusto raw ni Conrad na magpatayo uli ng bahay para sa kanilang dalawa at isang beach house. Ngunit mukhang hindi rin ito okay kay Zsa-Zsa dahil para sa kanya, okay na raw ang tinitirhan nila ngayon.
Samantala ipinagdiriwang ni Zsa Zsa ang kaniyang 40 years sa showbiz kaya naman magkakaroon diya mg malaking concert na may titulong Through The Years sa May 17 sa Samsung Performing Arts Theater.
Kasama bilang guests ang mga anak na sina Karylle at Zia Quizon, pati rin sina Erik Santos at Gary Valenciano.