Advertisers

Advertisers

Kyline nag-makaawang balikan ni Kobe

0 16

Advertisers

Ni Archie Liao

PASABOG ang naging pahayag ni Jackie Forster kaugnay ng ilang isyu hinggil sa hiwalayan ng kanyang anak na si Kobe Paras at Kyline Alcantara.

Ayon sa dating aktres, si Alcantara ang nagdulot ng matinding stress sa relasyon ng dalawa.



Matapos din ang ilang linggong pananahimik, minabuti niyang magsalita sa isyu dahil nahuhusgahan at naiipit ang kanyang anak.

Sinabi rin niyang si Andre, kapatid ni Kobe, ay hindi dapat na mabatikos dahil sa pagtatanggol sa kanyang kapatid lalo pa’t labis na nababatikos ang ex ni Kyline dahil sa maling paratang.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Jackie na noon pa man ay may mga palatandaan na ng hidwaan sa pagitan ni Kobe at mga magulang ni Kyline bago pa naganap ang hiwalayan.

Hirit pa ni Jackie, ang Kapuso actress ang nagbigay ng maling larawan kay Kobe sa publiko.

Ayon pa sa kanya, maraming hakbang na ginawa si Kyline na nagpapakita ng hindi pagkakaintindihan, tulad ng pagbura ng mga larawan at ang pagpapakalat ng mga edited screenshots na nagdulot ng hindi magandang impresyon sa kanilang mga suporta.