Advertisers
Nagladlad ang bruhilda ng lipi ng mangmang mula sa kaTimugan na si Inday Sipa ng kulay at asal ng maging panauhin ni Isbo ng Maynila sa isang “Miting de Avance”. Hindi nagpatumpik tumpik ang bruhilda at binira ang mga kinatawan ng Maynila sa mga pagdinig na ginawa ng malawak na kapulungan hinggil sa pandodorobo sa pondo ng bayan na inilaan ng malawak na kapulungan sa tanggapan ng abalang pangulo. Hindi humarap at ‘di maipaliwanag ng bruhilda ang salang gawa sa paggamit ng kaperahan ng tanggapang pinamumunuan. At ang marangal na balik, ang libakin ang mga kinatawan ng lunsod sa isang pagtitipon sa labas ng kongreso. Sa pagtitipon, inihatid ang mensahe na itlog na boto ang dapat makamtan ng mga kinatawan na nagpakita sa kasibaan sa salaping bayan ng abalang pangulo. At nakuha ang ibig, sumigaw ang mga tagaTondo ng Marcos, Marcos kami.
Sa talumpati, malinaw na ang adhikain ng abalang pangulo’y mawala ang mga kinatawan na nagpakita ng kagalingan na isabit ang bruhilda sa mga usapin na bumalot sa tangapan. Hindi naitago ng bruhilda ang galit na nagbitaw ng mga pangit na pahayag laban sa mga kinatawan ng Tondo. Sa kakaibang sigaw ng mga tao, masasabing natatanaw na mag-iiba ang ihip ng hangin sa halalan sa bangit na lugar at malamang na pumakabila ang regla sa hanay ng mga kinatawan at iwan si Yorme. Ang pangyayari ang nagbukas isip sa mga Manilenyo na lumipat ng ihahalal.
Sa Tondo pa rin, naumpog ang mga manghahalal sa uri ng Yorme na dati’y ibig at tila magbabago ng pili sa namalas na uri ng kakampi na sinamahan ni Isbo. Nasilip ng taga Tondo at ng Manilenyo na sala ang grupong kinabibilangan ni Yorme na sana’y ibig ibalik ngunit ang asal na lumalabas sa kakampi ang nagtulak na magpalit ng isip at ibalik ang karapat dapat sa City Hall ng Maynila. Ang kulay na mapagtanim ng galit ang ‘di ibig ng Pinoy higit sa paglalabas ng katotohanan na may sala ang nagsasalita na ‘di maipaliwanag ang kaganapan sa tangapang pinamumunuan. Mahalaga sa manghahalal na malaman ang puno’t dulo ng usapin at tanggap ang paliwanag sa usapin kung makita ang sinsiridad ng nasasalang. Maunawain ang bayan higgit ang tagaTondo sa mga dehado sa laban at malinis ang pagkatao ngunit sa posturang ipinamalas ng bruhilda, ang ipahayag ang pagkadismaya’y karaniwan tulad ng pangyayari sa Miting de Avance.
Sa totoo lang, ang marangal na namumuno’y ‘di kakikitaan ng magaspang na asal higit sa harap ng tao na sinusuyo na ibigay ang tiwala. Ang kagaspangan ng pag-uugali’y ‘di inaasahan sa babaeng puno na ‘di bago sa larangan ng politika na humaharap o nakaharap sa manghahalal. Ang namalas na pag-uugali sa bruhilda’y nagtulak sa maraming katungali na huwag hayaan na malampasan ang pagpapasipa sa halip malalagay sa peligro ang karera sa pagbabalik ng puno na malaki ang galit sa puso. Ang ‘di pagtanggap sa kamalian at ang walang lugar sa pagsisisi’y larawan na babalikan ang katunggali sa oras na makabalik sa pwestong tinitingala. Ang masipa ang uri ng lider na asal hayop ang dapat maalis at ‘di makabalik sa anumang pwestong magagamit sa darating na panahon.
Sa kabilang banda, silip ang ilang pagliban ng ilang kandidato ng administrasyon sa mga malakihang pagtitipon ng Partido. Ang pagliban ng mga kakampi na nagpataas ng kamay o itinaas ang kamay ng bruhilda’y tila padausdos ang galaw sa halip na pataas. Lagapak na ang mahika ng bruhilda na kailangan at sanay pag-isipan ng mga ibig tumalikod sa lapian ng administrasyon. Sa takbo ng kaganapan, ang patatagin ang pagsama sa bruhilda ng kaTimugan ang tindig na sala at ‘di dapat ayunan. At ang pag-iwas o liban sa mga kilos ng administrasyon ang hakbang na ‘di dapat. O’ sadyang may mahika na maibibigay ng magarbong resulta sa dulo ng halalan, tanong lang po?
Ang maliit na kaganapan sa Maynila o sa Tondo’y larawan ng mas malaking larawan ng kaganapan sa bansa na nagpapabago sa isip ng mga Pinoy sa halalan ngayong Mayo. Marami sa dating sarado ang iisip sa pagsuporta sa mangmang ng Katimugan ang biglang na alimpungatan sa asal na nakita kay bruhilda. Ang asal na magbabago sa landas ng halalan, ang maraming kumakarera na nagpataas ng kamay kay Inday Sipa’y lalabas na talunan. Ang pagpapalit isip ni Mang Juan ay bunga sa namalas na asal na ipinakita ng bruhilda ng kaTimugan. Ang masakit, ang mga dating maganda ang tindig sa halala’y tila nanganganib na mawawalan ng takits pagkatapos ng halalan sa Mayo 12.
Maintindihin ang Pinoy sa nagkakamali ngunit ang makita na walang pagsisisi ang nagkasala’y ibang usapan na nagpapatigas sa puso. Walang puwang sa ating lahi ang taong mapagmataas sa likod ng kamalian higit ang usaping pera ng bayan. Ang mga lumabas na katotohanan sa pagdinig ng malawak na kapulungan sa gastusin ng abalang pangulo’y masasabing may angulo ng politika. Ngunit ang aksyon at re-aksyon ni Inday Sipa ang pako na nagbaon na katotohanan ang mga nahungkat sa pagdinig. At sa mga galaw ng abalang pangulo higit sa talumpati sa pagpupulong politika sa Tondo, ganap na katotohanan ang lahat na kinagagalit ng bruhilda.
Sa mga kapanalig ng abalang pangulo, hindi kamalian ang mag-isip at ang umiwas sa karmang nagaganap sa mga kaTimugan. Walang lugar ang salang gawa higit ang salapi ng bayan ang usapin na ‘di maipaliwanag ng taong pansarili ang layon. Ang paniningil sa salaping nilustay ang galaw ‘di lang ng kongreso higit ng mga taong walang maisubo subalit ninanakawan pa ng mapagmalabis na may kapangyarihan. Ang pag-isipan ang kaganapan ang tamang tindig upang ‘di mapariwara ang bayan sa mga maihahalal.
May ilang araw pa bayan, mag-isip isip sa mga taong lumalapit at ibig magpahalal ngunit taliwas ang galaw sa mga sinasabi. Ang magmasid sa galaw ng mga lumalapit at pakinggan ang magkabilang pahayag ang gawin. At sa huli, timbangin ang ibig para sa sarili at sa bayan na ‘di magkaiba ang nais, ang mapabuti ang buhay ‘di lang ng nagpapahalal higit ang manghahalal na may katagalan ng naghihikahos sa hirap. Bayan, mag-isip isip sa iluluklok sa halalan.
Isang Mapagpala at Makabuluhang Araw sa mga Manggagawa ng mundo!
Maraming Salamat po!!!!