Advertisers

Advertisers

Mga pinuno ng Caloocan, nagbuhos ng suporta sa 106 TRABAHO Partylist

0 11

Advertisers

Muling inendorso ni Cong. Oscar “Oca” Malapitan ang 106 TRABAHO Partylist sa unang Distrito ng Kalookan sa ginanap na Team Aksyon at Malasakit’s Grand Rally sa Malolos Street, North Diversion Road, Bagong Barrio noong ika-2 ng Mayo.

Ayon sa congressman, ang 106 TRABAHO Partylist ay parte na ng kanilang partido.

Sa mga salita ni Cong. Oca sa kanyang mga nasasakupan: “Meron ho tayong bagong kasama sa team natin. Sa partylist- tulungan natin ang TRABAHO Partylist!”

Ipinahayag din ng kasalukuyang kongresista na ang magiging panalo ng 106 TRABAHO Partylist ay magiging panalo rin ng Lungsod ng Kalookan.

“[Kapag] ang TRABAHO Partylist nanalo, dalawa na kaming congressman niyo dahil maglilingkod din siya sa lungsod ng Kalookan”, pagtutukoy ni Malapitan sa kanyang sarili at kay first nominee Atty. Johanne Bautista.

Nagbuhos din ng suporta si Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan para sa 106 TRABAHO noong nakaraang sortie nila sa parehong distrito.

Sa pagpapakilala sa 106 TRABAHO, sinabi ni Mayor Along: “ang ating partylist- 106 sa balota.”

Ang abugadong first nominee naman ng 106 TRABAHO ay nagpahayag ng malugod na pasasalamat sa suporta ng nasabing partido, lalo na sa suporta ng mga Malapitan.

“Nais ko po munang batiin at ipahatid ang aming taos-pusong pasasalamat kina Mayor Along Malapitan at Cong. Oca Malapitan sa kanila pong napakahalagang suporta sa 106 TRABAHO Partylist,” sabi ng abogado.

Sinegundahan din ng abogadong nominee ang pangako ni Malapitan sa mga taga-Kalookan na sila ay magkakaroon ng isa kongresistang na magsisilbing boses ng kanilang Distrito.

“Katuwang po ng Team Aksyon at Malasakit ang 106 TRABAHO Partylist sa patuloy na pagpapabuti ng mga serbisyo publiko dito sa inyong lungsod, lalong lalo na po sa pagpapalawak ng access sa quality and sustainable jobs and livelihood,” pagdidiin ni Bautista.

Sa usapin ng kabuhayan at trabaho, inihayag ng nominee na isusulong ang inclusivity lalo na para sa kababaihan, mga senior citizen, may kapansanan, at mga miyembro ng minoryang lipi, gaya ng LGBTQIA+ community.

Nitong Sabado, tumindig rin ang TRABAHO Partylist para sa malayang pamamahayag, at karapatan ng publiko na magtanong, magsalita, at magbigay-kaalaman, lalo na ngayong panahon ng halalan.