Advertisers
WALANG nangangahas na bumangga sa operasyon nn kung tawagin ay “sugal lupa” tulad ng “color games, at drop ball baraha” na salot sa Oriental Mindoro.
Ayon sa reklamo bagyo sa tanggapan ni Oriental Mindoro Provincial Director PCol Edison Revita at Police Regional Office 4B (PRO-4B) Regional Director PBGen Roger Quesada ang mga bigtime na gambling operator na alyas RR, Vivien, Bong, Dayo, Edwin, Elena, Joebert, Toto, Dorie, Benjun, Ryan, Pato, Ed, Joel, John-John, Buda, Leonard, Jaype, Dorie, Analie, Anton, Menardo, Nene, Remar, at Edwin.
Hiniling ng mga nagrereklamo huwag ng banggitin ang kanilang pangalanan para sa kanilang kaligtasan.
Giit nila na malaking halaga ang “lagay” ng mga nabanggit na gambling operator sa mga matataas na opisyal ng kapulisan dahil sa Oriental Mondoro dahil lantad ang presensya nito sa mga bayan ng Pola, Gloria, Socorro, Pinamalayan, Bongabong, Roxas, Mansalay, Bansud, Bulalacao, Victoria, Naujan, Baco, San Teodoro, Puerto Galera, at Calapan City.
Ang pamamayagpag ng sugal lupa ay maituturing umanong notoryus dahil pinamumugaran ito gabi-gabi ng mga sugarol, adik, pusher, holdaper, snatcher, at mga kabataan.
Sinabi ng mga nagrereklamo na ilang taon ng namamayagpag ang mga perya na may sugal sa kani-kanilang lugar na hindi hinuhuli ng mga kapulisan sa kabila ng paulit-ulit na babala ni Philippine National Police (PNP) Chief, General Rommel Francisco Marbil na sisibakin sa serbisyo at kakasuhan ang sinumang chief of police, provincial director, city director, regional director at district director na mapatunayang may ilegal na sugal sa kanilang nasasakupan ay mistulang balewala.
Naniniwala din ang ilang sektor na bumabatikos dito na hindi matutuldukan ng kapulisan ng Oriental Mindoro ang pamamayagpag ng iligal na sugal dahil ipinagmamalaki umano ng mga nabanggit na gambling operator na may “basbas” sa tanggapan Camp Efigenio Navarro (Regional Police Office) at Police Provincial Office (PPO) ang mistulang mga “mini casino” na sugalan na na binasagan nila ang probinsya bilang Sugal Lupa Capital?
Nananawagan din sila kay DILG Secretary Jonvic Remulla na imbestigahan ang mga nabanggit na sugal lupa na talamak sa Oriental Mindoro upang mapanagot ang mga protektor nito.
Samantala hindi lamang “color games at drop ball baraha” ang talamak sa nasabing lalawigan kundi maging ang jueteng na protektado ng maimpluwensiyang pulitiko.
Sa totoo lang hindi naman masama ang peryahan, talagang tuwing may fiesta, masaya kapag may perya lalo kung may mga rides, at kaya lang naging masama dahil nilagyan nila ng sugal.
Hiniling din nila kay PNP Chief Marbil na aksyunan ang kanilang reklamo dahil bukod sa madalas ang kaguluhan sa mga pasugalang ito ay ginagawa umanong tambayan ng mga tulak, adik at mga halang ang kaluluwa.
Sinabi rin nila sa pitak na ito, na Press Release o papogi lang ang pinaiiral na “No Take” Policy ni Gen Quesada sa MIMAROPA region dahil lantad at talamak parin ang mga sugalang ito hindi lamang sa Oriental Mindoro kundi maging sa Occidental Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan.
May mga ulat din na malaking pondo ang ibinibigay ng mga gambling operator sa pulitiko na kumakandidato ngayong midterm election upang mapanatili sa nasabing lalawigan ang sugal lupa.
Subaybayan!