Advertisers
BUO na ang pasya ng mga Batang Maynila, ibabalik nila si Yorme Isko Moreno sa balota sa Mayo 12, 2025!
Opo, alam ng inyong lingkod, kasama ang pinakamaraming Manilenyo sa pagtitiwala na maibabalik ni Isko ang dating ningning ng Maynila, kasi nga, nakita na, naramdaman na at kinasasabikan na ang pagbabalik niya.
Sa mga kandidatong alkalde, e wala namang iba pa — tanging si Yorme ang may kakayahan, may capability, at may karanasan at may totoong karakter na pamahalaan ang Maynila.
Dapat na talagang ibalik si Isko!
Sabi ni dating Congressman Amado Bagatsing, he wants to be part of the team (Yorme’s Choice) at maging kasama sa pagbabangong muli, sa metamorphosis, sa pagbabagong-anyo-ng-buhay ng Maynila.
Buong-buo ang tiwala ni Cong. Amado na kung si Yorme Isko ang mamumuno bilang alkalde ng pangunahing siyudad ay nakasisiguro siya na maibabalik ni Kois ang ningning at ganda ng Maynila.
***
Nasabi na dati pa ni Yorme Isko na sa unang araw niya sa cityhall — matapos manalo — agad na ide-deploy niya ang Estero Rangers para linisin ang lahat ng imburnal, estero at ang Pasig River na parang palangganang dito umuuho ang lahat ng masangsang na amoy ng magkakahalong dumi, basura, toxic chemicals na nanggaling mula sa iba-ibang lugar sa mataas ng bayan, lungsod malapit sa Maynila.
Ibabalik niya ang magandang imahe ng kalinisan ng Maynila, at sabi nga niya, hindi naman mula sa Manila residents ang mga basura na nakikita lalo na tuwing bagyo at tagbaha.
Yan paglilinis sa siyudad ay palagian, hindi minsanan na ginagawa, sabi ni Yorme, kaya 24/7 o walang logtu na trabaho sa pag-upo niya uli, at kanyang i-activate agad ang Department of Public Services (DPS).
Walang negosyante na mag-i-invest sa maruming Maynila, sabi niya, “Kaya muli nating ibabalik ang ganda at ningning ng ating lungsod.”
Isang reader natin ang nag-comment na noong pandemya, talagang todo ang ayudang ibinigay ni Yorme sa mga nawalan ng trabaho o kinakapos ang kita.
Mahina ang negosyo, kaya ang mga barangay, busy sila sa pag-aaruga at pagbibigay ng food [security] box, gamot, bitamina at iba pa, at may bonus pang P1,000 cash muna sa City Amelioration Crisis Assistance Fund (CACAF).
May alam ba kayo na LGU noong kainitan ng lockdown na may ayudang katulad ng ginawa ni Yorme Isko, wala, di po ba?
Mahigit sa 700 libong pamilyang Manilenyo ang nakatawid sa kagutom mula sa ayudang ito ni Yorme.
Iba talaga pag magmalasakit si Isko, at ngayong lahat ng gastusin ay tumataas, makakaasa ang pamilyang kapos sa kita na maitatawid sila sa kagutom, lalo sa panahong kalamidad at krisis sa kabuhayan.
Dahil galing nga sa hirap si Isko kaya ganyan ang kanyang pagmamalasakit sa kapwa, alam na alam niya ang kirot ng sikmurang walang pagkain.
Galing sa kahirapan, kaya mas naiintindihan ni Kois ang damdamin, isip at puso ng sitwasyon ng mahihirap.
Kaya umasa na ang mga Batang Maynila, kapakanan ng mahihirap ang muli niyang aasikasuhin tulad noong ginawa ni Isko noong 2019-2022 na siya ang Ama ng Maynila, kapakanan ng mahihirap ang unang kinalinga niya.
Alam ni Yorme ang urgency ng maibibigay niyang tulong, kaya sa halip mangako lamang, inuuna niya ang gawa, mas una siyang kumikilos,
Ang mabilis na kilos na ito ang tiyak na maasahan sa oras na nasa cityhall uli si Yorme Isko.
Alam kasi ni Yorme ang gusto ng tao; dama niya agad ang dapat gawin sa harap ng mga problema, at kaya niya na agad-agad na baguhin ang buhay ng karaniwang Manilenyo.
Pagbabago para guminhawa ang mga residente ay nagawa na ni Yorme, at ngayon ito uli ang gagawin niya uli.
Inaasahan natin, at pag nasa cityhall na si Isko, totoong p;agbabago na ito para sa lahat ng Manilenyo.
Basta ito ang pangako ni Yorme:
“Papaliguan at lilibagan muli natin ang Maynila sa kadugyutan. Ang mga tolongges na nagkalat ay ating kakalawitin at ibabalik natin ang kapanatagan ng pamumuhay sa ating lungsod.
Nagawa na natin noon, kaya ulit nating magagawa. ‘Yan ang gagawin natin sa tulong ng Diyos at taumbayan, makabalik tayo ulit sa Manila City Hall.
Teka, yung kabilang bakod, in desperation, at pulos paninira na lang ang gagawin ng mga yun na kung ano-anong fake news ang pinakakalat, na hindi naman pinaniniwalaan at tumatalab sa mga Batang Maynila dahil nakapokus na sila na si Isko ang isulat sa balota sa Mayo 12, kasama ang katiket na si Chi Atienza at buong tropa ng Yorme’s choice.
Bilin ni Yorme Isko, manatiling mahinahon at wag sumali sa istayl ng mga kalaban na negative campaigning, dahil ilang araw na lamang, isusulat na sa balota ang pagbabalik ng bagong-anyo-ng buhay, matino at totoong gobyerno ng Maynila.
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay sumulat o magmensahe sa bampurisima@yahoo.com.