Advertisers

Advertisers

A BIG BROTHER PEOPLE CAN COUNT ON!

0 457

Advertisers

Sino nga ba ang bagong talagang police provincial director ng lalawigan ni Governor Amado Espino III?

Siya si Police Colonel Ronald Valdez Gayo,isinilang sa bayan ng Laoac at isang certified PANGALATOK!

Walang mapagsilan ng tuwa at galak si Colonel Gayo nang manumpa ito bilang bagong police provincial director ng Pangasinan noong Disyembre 5, 2020 matapos italaga ito ni PNP chief, General Debold Sinas.



“Finally I’m home”, masayang bulalas ni Gayo sa kanyang mensahe sa turnover ceremony na ginanap sa Magilas Hall ng Camp Antonio Sison sa Lingayen.

Sa kanyang kauna-unahang marching order,inatasan nito ang kanyang apat (4) na city directors at mga COPs na paigtingin ang kampanya laban sa iligal na droga na flagship program ng administrasyong Duterte.

Hindi na bago si Colonel Gayo sa sa Pangasinan Police Office (PPO) He served as commander of the 2nd Provincial Mobile Group based in Tayug, as chief of the Provincial Intelligence Branch, chief of the Provincial Investigation and Detection Management Branch and chief of the Special Operations Group,all at the Pangasinan PPO.

“I want my fellow public servants to serve our province whole-heartedly with dedication and commitment” as he cited his plan to further intensify the campaign against illegal drugs.

Nagpapasalamat din ang mamang koronel sa mainit na pagtanggap sa kanyang ng mga halal na opisyal ng lalawigan ng Pangasinan sa pangunguna ni Governor Amado Espino III at mga alkalde ng apat na siyudad at mga bayan ng probinsiya.



Col. Gayo expressed his desire to work hand-in-hand with the provincial government led by Gov. Amado I. Espino III as he urged all chiefs of police stationed in different towns and cities of the province to do their jobs and perform to the best of their ability in maintaining peace and order in the province.

Col. Gayo noted that police visibility will further be intensified. “At least 85% ng kapulisan ay dapat nasa lansangan at 15% lamang ang maiiwan sa loob ng opisina,”

Nakikita ni Gayo na ang mga pangunahing problema ng Pangsinan ay ang tungkol sa iligal na droga, kriminalidad, insurgency at ang tungkol sa covid-19 pandemic.

On the COVID-19 protocols, Col. Gayo assured that the PNP will work harder to ensure the safety and wellness of Pangasinenses. “Mas lalo po na paiigtingin ang checkpoint protocols lalo na sa mga LSIs (locally stranded Individuals).”

Maganda ang layunin ni Colonel Gayo na pagsilbihan ng buong katapatan ang kanyang mga kababayang Pangasinenses sa abot ng kanyang makakaya ngunit iisa lamang ang tila blackeye o gray area na napapansini natin sa nasabing lalawigan.

Ito ang presensiya ng iligal na sugal sa kanyang AOR na may apat (4) na malalaking siyudad at 44 na bayan!.

Numero uno sa problemang napapansin natin sa kampanyang ito sa Pangasinan ay ang tila pagkupkop ng ilang pulitiko ng lalawigan sa mga illegal gambling operators na ito partikular na sa San Carlos City na isang Barangay Captain ang involved.

Siya si alyas Kap Boyet na may halos 30 puwesto pijo ng “drop ball” sa buong siyudad kabilang na ang mismong City Plaza ng San Carlos.

Isa pang salot sa bakuran ni PD Gayo ay itong pulis na si PIDLAWAN na umiikot at nagpapakilalang “bagman” o kolektong ng mabunying koronel.

Nitong Disyembre lamang naupo si Colonel Gayo diyan sa Pangasinan PPO pero agad na may lumutang na ‘self-proclaimed collector agad ang PD sa katauhan nga nitong kupal na si PIDLAWAN!

Alam na alam nating “BOGUS” ang kupal na ito at nag-assumed lang na siya pa rin ang “KATIWALDAS” ng Pangasinan PPO na di naman natin pinaniniwalaan.

Ngayong naiparating na natin ito kay Colonel Gayo, ang PD na ng lalawigan ang bahalang KUMALOS dito sa kupal na si PIDLAWAN.

‘Yan ay kung paiiralin ni Colonel Gayo ang kanyang prinsipyo at matatag na paninindigan para sa kapakanan ng kanyang mga kababayang Pangsinenses!

May commitment ang mamang koronel na paiiralin ang batas at ang TAMA sa ilalim ng kanyang liderato bilang provincial commander.

Pangakong hindi lamang sa salita kundi nakaukit sa puso ng mabunying police official!

May kasunod…

ABANGAN!

***

PARA SA INYONG KOMENTO,REAKSYON AT SUHESTIYON,MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com