Advertisers

Advertisers

Trike driver, inatado ng kabaro

0 319

Advertisers

Patay ang isang lalaki nang pagsasaksakin ng binatilyo sa Tondo, Maynila.
Kinilala ang biktima na si Ronald Gaspar alyas Bobot, 37, tricycle driver ng 1320 D-21 CP Garcia, Tondo.
Naaresto naman sa follow up operation sa pangunguna ni PSMS Gerardo Tubera, hepe ng Dagupan outpost ang salarin na si Alvin Salac,18, binata, tricycle driver, at residente ng 309 Osorio S., Velasquez, Tondo.
Sa ulat, nangyari ang pananaksak sa may kahabaan ng Padre Rada St., kanto ng Juan Luna St., Tondo, Maynila.
Ayon sa report, nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa nang butasin ni Salac ang gulong ng tricycle ni Gaspar.
Sa gitna ng kanilang pag-aaway, biglang sinaksak ng salarin ang biktima ng gunting sa katawan ng ilang beses.
Naisugod pa sa Mary Johnston Hospital ang biktima ngunit binawian din ng buhay.
Itinurn-over si Salac sa MPD-Homicide Section at nahaharap sa kasong Homicide. (Jocelyn Domenden)