Advertisers

Advertisers

SERBISYO SA MAMAMAYAN, DAPAT UNAHIN – PACQUIAO!

0 5

Advertisers

Bongao, Tawi-Tawi — “Kapag may kalamidad at walang tubig ang mga tao, anong klaseng gobyerno ang manonood lang?”

Ito ang paninindigan ni Senatorial Candidate Manny Pacquiao nitong Lunes, nang matanong sa naging desisyon ni Cebu Governor Gwendolyn Garcia na ipatupad ang desilting o paglilinis at Pag-aalis ng bara sa Mananga River—isang hakbang na ngayon ay ginagamit na batayan para sa anim na buwang preventive suspension ng Office of the Ombudsman.

Para kay Pacquiao, hindi dapat parusahan ng mabilis at makataong pagkilos—lalo na kung ito ay para maiwasan ang mas matinding krisis gaya ng matinding kakulangan sa tubig dulot ng El Niño sa Cebu.



“Sa gobyerno, kailangan din ng puso. Paglingkuran ang mgq tao nang walang takot,” giit ni Pacquiao.

Ayon kay Pacquiao, malaking issue ang lumalaking pangangailangan ng Cebu sa supply ng tubig. Kailangan aniya ng Metro Cebu na makaligtas sa krisis sa tubig na siyang nagtulak kay Garcia para ideklarang State of Calamity noon .

Ayon kay Garcia, ang special permit na ibinigay sa Shalom Construction Inc. ay dumaan sa koordinasyon sa lokal at pambansang ahensya, kabilang ang DENR at EMB.

Habang naka-preventive suspension, iginiit ni Garcia na igagalang niya ang proseso, ngunit binigyang-diin na kinakailangan ang clearance mula sa Comelec bilang pagsunod sa batas ngayong panahon ng eleksyon.

Naniniwala naman si Pacquiao na anumang akusasyon laban sa mga halal na opisyal ay dapat may tamang proseso at hindi ginagamit para sa pansariling interes o pulitika. Lalo na kung ang prinsipyo ay mapapagaan sa buhay ng mga Pilipino.



“Hindi dapat ituring na kasalanan ang maagap na pagkilos—lalo na kung para sa ikabubuhay ng ating mga kababayan. Kung para sa tao, dapat suportahan,” ani Pacquiao.

Naniniwala si Pacquiao na dapat suportahan ang mga lider kung ang mga ginagawa naman ay para sa bayan.

“ Kung malinaw ang layunin at serbisyo ang puso ng aksyon, ‘yan ang tunay na pamumuno”dagdag ni Pacquiao

Idiniin din ni Pacquiao na kakampi siya ng mga lider na patuloy na lumalaban para sa kapakanan ng kanilang pinagsisilbihan.

“Ang tiwala ng mga kababayan natin ay isang bagay na hindi ko kailanman bibiguin. Lagi akong kakampi ng mga lider na inuuna ang taongbayan,” pagtatapos ni Pacquiao.