Advertisers

Advertisers

BLACK SAND MINING SA OCCIDENTAL AT ORIENTAL MINDORO, PINANGANGAMBAHAN

0 19

Advertisers

INALMAHAN ng mga residenteng naninirahan sa dalampasigan karagatan ng Balete, Oriental Mindoro at Talabaan Mamburao Occidental Mindoro ang pagkasira ng kanilang kapaligiran at karagatan, na naka-aapekto na sa kanilang kabuhayan at kalikasan.
Ito’y dahil sa hinihinalang black sand mining sa kanilang mga lugar.

Ayon sa mga residente, unti-unti nang kinakain ng sand mining ang kanilang mga baybayin kung saan nagkaroon na ito ng pangpang dahil sa pagbagsak ng lupa.



Batay sa impormasyong nakalap ng pitak na ito, nagsasagawa ng sand dredging at desilting operations upang palalimin diumano ang Subaang River at Alag, Longos River, Bucayao Silonay River, Mag-asawang Tubig River, Balete River, Bansud River, Bongabong River, Pola River, Naujan River, San Teodoro River, Baco River, at Sumagui River sa Oriental Mindoro ganon din ang Barangay Talabaan Mamburao River, Sablayan River, Malawaan Rizal River, at Santa Cruz River, Occidental Mindoro.

Nabatid na pinahihintulutan diumano nina Governor Humerlito “Bonz’ Dolor at Governor Eduardo Gadiano ang Southern Concrete Industries Inc. na pag-aari ng China Harbour Engineering Company at Blue Max TradeLink Inc., na suportado umano ng permiso mula sa Mines Geoscience Bureau – Department of Environment and Natural Resources (DENR-MGB), ang naturang river restoration through “dredging activities” na diumanoy nagbibigay-daan sa dalawang kumpanya na kumuha diumano ng 38.5 milyong metro kubiko ng buhangin (materyal) sa ilog ng Oriental Mindoro na bibilhin diumano ng San Miguel Aerocity, Inc, at sa hindi pa mabatid na million cubic miters naman na kukunin sa mga kailogan ng Occidental Mindoro na diumanoy gagamitin sa itinatayong 318-ektaryang Manila Water Front Reclamation Project sa Manila Bay, 2,500-ektaryang New Manila International Airport Reclamation Project sa Bulacan at sa hindi pa mabatid na ektarya ng China Reclamation Project sa West Philippine Sea.

Gayunman, ipinagtataka ng mga residente at mangingisda kung bakit sinimulan ng mga dredger ang paghahakot ng tone-toneladang buhangin sa Rizal at Mamburao Occidental Mindoro at Balete Gloria, Oriental Mindoro na dapat magmumula sa ilog palabas ng dagat subalit hindi umano pumapasok sa kailogan ang mga dredging vessels kundi sa mga karagatan ito nagde-dredge at hindi sa ilog.

Una nang pinuna ng mga residente na kapansin-pansing may ilang contractor na nag-de-dredging sa mga baybaying karagatan pero kinukuha ang buhangin gayong dapat ay iniiwan o inihihiwalay lamang ito.

Isa anila ito sa mga halimbawa ng black sand mining na mahigpit na ni-re-regulate sa pilipinas at maaari lamang isagawa sa mga partikular na lugar.



Sa ilalim ng Republic Act 7942 o Philippine Mining Act of 1995, ipinagbabawal ang mining sa offshore areas sa loob ng 500 meters habang 200 meters naman kapag sa onshore areas.

At habang isinusulat natin ang balitang ito nakikipag-ugnayan na tayo kay Governor Dolor, Governor Gadiano at sa Department of Environment and Natural Resources upang mabigyang linaw ang katangungan ng mga taga-Mindoro.

Samantala kung malaking volume ng buhangin ang kukunin sa mga nabanggit na probinsya katulad ng mga napaulat na 38.5 milyong metro kubiko ng buhangin (materyal) ay siguradong babagsak ang linya o tubo ng gasolina ng Malampaya Pipelines na magkaroon ng leak at pagsabog at maraming corals at mga nabubuhay sa ilalim ng dagat ang mamamatay.

Gusto kulang ipaalala kina Gov. Dolor at Gov Gadiano na ang mga nilkha ng Diyos tulad ng kalikasan ay mahalaga kaya ingatan at wag ninyong sirain? Intende!

May kasunod pa!

***

Kung may tanong, suhestiyon o komento ’wag mag-atubiling tumawag o mag-text sa numerong 0939-7177977 at 0936-8625001 o di kaya mag-email banderapilipino@yahoo.com/balyador69@gmail.com