Toni At Alex Gonzaga Super In-demand Sa Provincial Concerts, Parehong Star Sa Vlogs; Line Producer Morong, Bataan Mayoral Candidate Leah Calmerin, Ineendorso Ni Coco Martin
Advertisers
Ni Peter S. Ledesma
HONEST, mas malaki ang kita ng Gonzaga sisters na sina Toni at Alex Gonzaga sa mga provincial concerts na parehong milyones ang talent fee ng mga ito. At favorite kunin sina Alex at Toni ni Senadora Loren Legarda sa Antique. Also Sen. Mark Villar and Congw Camille Villar.
Kagagaling lang ng dalawa na nag-perform sa Tugbong Festival Pandan sa Antique na libu-libong crowd ang nanood. Noong May 6 ay sina Toni at Alex uli ang frontliners sa Hamtic Antique. Mapapanood ang kanilang free concert sa HAMTIC MUNICIPAL GROUNDS, at 6:00 PM.
Actually, hindi lang ang mga Antiqueños ang naaaliw sa performances nina Alex at Toni. Maging si Sen. Loren ay masaya at tuwang-tuwa sa kakikayan ni Alex at birit number ni Toni na kilalang mahusay na singer. Saka hindi nakasasawang panoorin ang Gonzaga siblings dahil parehong magaling at may aliw factor pa. Kamakailan ay pinasaya rin ni Alex ang mga Ilonggo sa KALIPAYAN KAG KAUSWAGAN Grand Rally cum Concert ng USWAG ILONGGO PARTY-LIST ni Cong. Jojo Ang na kaniyang ineendorso. Naimbitahan din sila ng kanyang Ate Toni sa kampanya ng anak ni Sen. Loren na si Leandro Legarda-Leviste na tumatakbong Congressman sa 1st District sa Batangas at number one ito ngayon sa survey.
Sa pagiging kapwa vlogger nina Alex at Toni ay napatunayan ng dalawa na may mass appeal sila at hawak din ni Toni ang tinatawag na AB crowd. Both of them have millions subscribers and always millions din ang views, every episode. Kaya laging may nakikipag-collab na iba’t ibang brand sa famous sisters.
***
TATAHI-tahimik lang ang matagal ko nang kakilalang line producer ng Regal Entertainment at Batang Quiapo na si Ms. Leah Calmerin. Pero she’s a candidate pala for Mayor sa probinsya ng Morong, Bataan. And guess kung sino ang number one supporter ni Ms. Leah? Si Coco “Tanggol” Martin lang naman na ineedorso ang kaniyang candidacy. And pumapalo sa mga survey si Ms. Lea. Naku, amoy na amoy na ang victory nito this coming May 12, 2025 Midterm Election.
Kapag nagtagumpay na maging bagong alkalde ng Morong, Bataan, ilan sa mga isusulong na plataporma at proyekto ni Ms. Leah at ng Biseng si Petot Calma at ng buong Team ay ang BAHAY At BIYAHENG SAPAT, ASENSONG Mas PINALAWAK, NUTRISYON At KALUSUGAN PARA SA LAHAT, GOBYERNONG BUKAS At TAPAT, ORGANISADONG KOMUNIDAD, MAGTATAGUYOD NG KARAPATANG PANTAY At TIYAK ATBP. Bangon Morong, yan ang goal ng nasabing mayoral aspirant.