Advertisers

Advertisers

Pulong Duterte pinapanagot ng grupong kababaihan sa umano’y prostitusyon sa Davao City

0 6

Advertisers

Umani ng batikos mula sa mga grupo ng kababaihan si Davao City 1st District Representative Paolo “Pulong” Duterte matapos siyang madawit sa umano’y prostitusyon sa lungsod.

Lumutang ang isyu kasunod ng isang viral na CCTV video at reklamo ng pananakit. Makikita sa video si Duterte na tila nagtangkang manaksak at manulak gamit ang ulo sa isang lalaki sa loob ng isang club sa Davao City.

Ang lalaki ay kinilalang si Kristone John Patria Moreno, isang umaming bugaw, na nagsabing siya ang nagbibigay ng mga babae kina Duterte at negosyanteng si Charlie Tan.



Ayon kay Moreno, nag-ugat ang gulo noong Pebrero 23 dahil sa hindi pagkakaintindihan sa bayad.

Dagdag pa ni Moreno, natagalan siyang magsalita dahil sa takot sa kapangyarihan ng pamilya Duterte sa Davao City na aniya’y tila ‘untouchable.’

Nanawagan ang mga grupong Gabriela at Talikala sa mga awtoridad na imbestigahan ang insidente at panagutin si Duterte sa umano’y pagsasamantala sa mga kababaihang napilitang pumasok sa prostitusyon dahil sa kahirapan at kakulangan sa tulong ng gobyerno.

“This is the grim reality for over 2,000 prostituted women in Davao City, who are left with no choice but to enter the sex trade due to the rising cost of living, lack of jobs, and limited access to social services,” saad ni Dr. Jean Lindo, 3rd nominee ng Gabriela Party-list.

“Instead of offering support as a sitting legislator, Duterte chose to abuse his position and prey on women’s vulnerabilities. These women are abused twice: first by a system that abandons them, and then by men who exploit their desperation,” dagdag nito.



Ayon naman sa Talikala, Inc., dapat seryosohin ang pahayag ni Moreno dahil nagpapakita ito ng mas malawak na problema ng human trafficking, na puwedeng gawing batayan ng mas malalim na imbestigasyon.

“There is a buyer, and women are being sold. There is a pimp. There was transporting and sexual exploitation. If you are an agency working against trafficking in persons, what are these,” ani Jeanette Ampog ng Talikala.

Sa ngayon, wala pang pormal na kasong isinampa kaugnay ng prostitusyon.

Ayon sa datos ng Lenity Australia, tinatayang nasa 6,000 babae ang nasa prostitusyon sa Pilipinas, at 20 porsyento sa kanila ay menor de edad.

Batay sa UNICEF at iba pang NGO, pumapangatlo ang Pilipinas sa siyam na bansa na may pinakamaraming kabataang sangkot sa prostitusyon na tinatayang nasa pagitan ng 60,000 hanggang 100,000.

Kabilang sa mga pangunahing lugar ng prostitusyon at sex tourism sa bansa ang Metro Manila, Angeles City, Puerto Galera sa Mindoro, Davao, at Cebu.