Advertisers
Taos-pusong pasasalamat ang ipinapaabot ni Congressman Carlo Lopez sa ating mga kapatid sa Iglesia Ni Cristo sa ipinagkaloob na tiwala at buong pusong pag-endorso. Isang malaking karangalan at inspirasyon para kay Congressman Lopez ang pagtanggap ng suporta mula sa isang organisasyong kilala sa disiplina, pagkakaisa, at matibay na pananampalataya.
Hindi lamang isang pribilehiyo ang tiwalang ipinamalas ng Iglesia Ni Cristo kung hindi isang paalalang mas malaking responsibilidad na buong puso niyang tatanggapin at tutuparin. Sa kanyang patuloy na paglilingkod, mananatili siyang tapat sa adhikain ng pagkakaisa, malasakit sa kapwa, at tunay na serbisyo para sa kapakanan ng bawat mamamayan.
“Muli, maraming salamat po sa inyong walang sawang suporta. Asahan ninyo na ang tiwalang ito aking iingatan at bibigyang halaga sa pamamagitan ng makatao, makabayan, at makadiyos na pamumuno,” pagwawakas ni Cong. Carlo.