Advertisers
DETERMINADO si Department of Health (DOH) Sec. Francisco Duque III na hindi magkakaroon ng problema ang bansa sa oras na simulan na nito ang pagpapabakuna sa mga Pilipino.
Pahayag ni Duque, maaaring sa buwan ng Marso hanggang second quarter ng taong 2021 ay tuloy-tuloy na ang pamimigay ng bakuna sa 60 hanggang 70 porsiyento ng populasyon sa bansa.
May inihahanda na rin daw na formula ang health department para malaman kung sino ang unang tuturukan ng bakuna na nahahati raw sa limang kategorya.
Ito ay ang mga healthcare workers, matatanda, may sakit, mahihirap na pamilya at mga uniformed personnel tulad ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP).
Hindi naman tinukoy ni Duque kung anong gamot ang ituturok ng pamahalaan sa mamamayang Pilipino. (Josephine Patricio)