Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
ISA sa intrigang ipinupukol kay Sam “SV” Verzosa sa kanyang pagtakbo bilang alkalde ng Maynila ay hindi raw taga-Maynila talaga si SV.
“Hindi ko nga maintindihan kasi buong buhay ko, na-internet na, na-feature na yung bahay namin sa Sampaloc, hanggang ngayon nandun pa rin.
“Baka ang tinutukoy nila dahil nakabili na ako ng maraming properties sa iba’t ibang lugar.
“E ganoon din sila, e. Ganito iyan, simple lang; kung umasenso ka at nakabili ka ng properties, sa Quezon City, sa Makati, may property rin ako sa ibang bansa ibig sabihin ba noon hindi na ako taga-Manila?
“Ang importante nandito ako, nagbabalik para sagipin at tulungan yung mga kababayan ko.
“Anyway ganito po iyan, palakas ho tayo nang palakas kaya patindi nang patindi ang paninira ng kalaban natin. Kung hindi naman tayo malakas hindi naman tayo papansinin.
“Puro na lang sila paninira hindi na lang tumulong. Ang dami nilang paninira, pati yung pagbibigay ko ng kabuhayan.
“Puro na lang daw ako bigay ng kabuhayan, sabi ko ano’ng masama dun?
“Ako hindi pa ako nagiging mayor libu-libo na yung natulungan ko.”
Samantala, sa latest survey ng Boses Ng Bayan Election 2025 ng RPMD Foundation Inc. in partnership with RPMD News Network, Inc. ay tie na sina SV at Isko Moreno.
Base dito ay naka 43% voter preference na si SV habang may 41% naman si Isko within the plus/minus 2% margin of error.
Isinagawa nag independent, non-commissioned survey mula Abril 15 hanggang 20 sa isang face-to-face interview sa 2500 registered voters sa anim na legislative districts ng Maynila.
***
MAY love scenes sa pelikulang “In Between” sina Diego Loyzaga at Sue Ramirez.
Mahirap bang gawin iyon to think na very close friends sila sa tunay na buhay?
Ani Diego, “I had a hard time because I guess for a moment it was, parang sabi ko, ‘Sue did we really just do that?’
“And then… hindi kami… okay, of all the projects I’ve done, hindi kami nagpe-playback, we don’t rewatch our scenes.
“Sabi ko, ‘Direk can we see what we did?’ ‘Huwag na. Trust me’
“Sabi ko, ‘Okay we put all our trust in you.’ ‘Okay na ‘to, panoorin mo na lang sa sinehan.’ ‘Okay, okay ganun na lang!’
“Nakakapanibago nga lang na iyon nga, we were… I kissed Sue! After how many years of working together we never had a scene na kailangan na ganito.
“And it wasn’t just a kiss,” Diego said. “Dapat abangan niyo kasi hindi yung typical na kiss. I don’t think I have done anything this wild yet.
“Guys don’t worry, walang butt exposure, you will not see my butt, no. But the kiss was pretty out there.”
Sa direksyon ni Gino Santos, palabas ngayon sa mga sinehan ang “In Between”, mula sa Viva Films.