Advertisers
Ni Beth Gelena
USAP-usapan sa social media ang looks ni Gabbi Garcia nung mag-host siya sa Miss Universe Philippines 2025, kamakailan.
Pangalawang beses nang naghost ang Kapuso aktres ng Miss U-Ph at tulad ng dati nagpapalit ng outfit ang aktres.
This time, hindi lang isa o dalawang beses nagpalit ng outfit ang aktres kundi lima, iba pa yung sa teaser ensemble for the most prestigious pageant in the country.
Dahil sa ilang beses siyang nagpalit ng kasuotan ay nabash ang aktres na siya ang cause of delay ng pageant event.
Sa kanyang Instagram Page ay binida niya kung sinu-sino ang nag-design ng kanyang mga kasuotan.
Ang unang gown ni Gabbi ay modern black and white Terno mula sa disenyo ni Cheetah Rivera.
For the main show, Gabbi debuted a sculptural dress with a golden top and black skirt, also by Cheetah Rivera.
The ensemble is inspired by a Datu, a traditional title for a leader or ruler in various indigenous communities in the Philippines and parts of Southeast Asia.
Nang muling nagpalit ng gown ang aktres, kulay purple naman ito, a flowy dress by Martin Bautista. It’s inspired by a Babaylan, a traditional Filipino spiritual leader, healer, and shaman in pre-colonial Philippine societies.
On her third look, she donned a warrior-inspired outfit by Jaz Cerezo, a white silky dress bedazzled with sparkly studs.
Paid tribute naman ang aktres para sa mga Filipino artisans na may bronze ensemble ni Jayson Glarino.
On top of the flowy, silky dress is a top reminiscent of a Filipino banig.
Sa kanyang final look, Gabbi paid tribute to Filipino farmers with a pristine white ruffled ensemble by Vania Romoff.
O di ba dinaig ng Kapuso aktres ang mga kandidata sa MIss Universe-Ph.
Lahat ng kanyang naging kasuotan ay may paliwanag siya.
Regarding sa siya ang cause of delay.
Aniya, “hindi po ako ang naging dahilan kung bakit nade-delay ang show. Marami pong commercial ang pumasok kaya dapat ng yun ay lumabas.”
Komento ng netizens, “sayang sana sumali siya sa beauty pageant.”
Anyway, ang nag-uwi ng korona ay ang taga-Quezon province na si Ahtisa Manalo na kahit palpak ang pagrampa dahil natapilok siya ay agad namang bumalik ang poise na parang walang nangyari.
Siya ang representante ng bansa sa upcoming Miss Universe pageant na gaganapin sa November 21 in Bangkok, Thailand.
Ang iba pang winners ay sina Katrina Llegado ng Taguig City, Miss Supranational Philippines, Gabriella Carballo of Cebu City who was named Miss Eco International Philippines, and Chelsea Fernandez of Sultan Kudarat was hailed Miss Cosmo Philippines.
Samantalang ang Kapuso aktres na si Winwyn Marquez was named first runner-up, at Yllana Adanua was second runner-up.
***
GF NI RiCKY PINATATTOO ANG KANILANG NAMES AT INITIALS BILANG ALAALA
Pinatattoo ng girlfriend ni Ricky Davao na si Mayeth Malca ang sulat-kamay ng aktor bilang alaala sa yumaong nobyo.
Pina-tattoo ni Mayeth ang sulat-kamay ni Ricky at kanilang initials sa kanyang kamay at saka pinost sa social media.
Alaala daw iyon yumaong nobyo.
Bukod dito, pina-ink din niya ang kanilang initials na “r” at “m” bilang simbolo ng kanilang hindi matitinag na pagmamahalan.
“My Bubba’s handwriting inked on me forever. Same with our first names’ initials, r and m. Mahal kita, Ricky, sobra sobra. Miss na kita,” saad ni Malca caption.
***
ARCI MUNOZ DI PALAPATOL SA BASHERS
GUEST ni Toni Gonzaga sa kanyang YouTube Channel si Arci Muñoz.
Sa kanyang vlog ay nasabi ng aktres na alam niya kung ano ang gusto niya sa sarili nung bata pa siya.
Nagbigay din siya ng detalye hinggil sa facial accident at ang relaayon niya sa God.
Ayon sa aktres, nung kabataan niya ay gusto na niyang maging rockstar unlike ng kanyang mga kaedaran na ang type na music ay mga pop.
Nang pumasok sa showbiz si Arci, tanong ni Toni kung papano niya Naha handle ang pagiging rockstar nagka-conflict daw ba?
“No, hindi naman nagkaproblema as long as gusto ko ang ginagawa ko. I never complained kasi gusto ko e.”
Pero dun nya raw nakita kung gaano kahirap din ang mag-artista.
“Grabe pala kapag artista ka na kasi kahit sa wake ng papa ko kelangan pumunta ka kasi may commitment. So aalis ka kahit nasa wake ka. May time na wala na akong tulog after kasi ng work bumabalik ako sa wake. Grabe pala ang risk ng trabahong pinasok ko.”
So, doon ka mas nahirapan?
“Naisip ko na ring magquit noon, pero napamahal na rin sa akin ang work ko. In-embrace ko na siya at gusto ko ang gjnagawa ko at I really love acting. But everything goes it, sometimes its hard to swallow.”
Papaano mo naman hina-handle ang mga issues, judgment, controversies sa industry?
“Ako ang lagi ko lang iniisip ate (Toni) ay ang opinion ng family ko. Only their matters in my life yun lang ang iniintindi ko and God is around me but outside hindi na yun magma-matters sa akin..bakit sino ba sila..parang ako wala kang karapatan to judge me. Mga pamilya ko nga hindi ako jina-judge. I learned to accept that it’s a part of my job then nasa sa akin lang kung magpapaapekto ako.”
Ayon pa kay Toni ang isa sa kontrobersiya na binabato kay Arci ay ang kanyang physical appearance.
Ani ng aktres, kung ano man daw ang manyari sa kanya ay ang verdict naman nun ay sa kanya mapupunta.
“Ano ba ang pakialam nyo?”
Ani Toni, “gumaganon ka.. Ano paki nyo?”
Natanong din ni Toni nang maaksidente sa isang gig ang aktres.
“Yeah, that’s true sa gig namin naghe-headbang ako … Headbang headbang pag-ikot ko yung mike pumalo sa mukha ang lakas kaya nagkaroon ako ng stitches sa part ng mukha ko.”
Ang komento.naman ng netizens sa paliwanag ng aktres.
“Facial accident hahaha you cannot fool us”
*Arci ikaw man ay retokada ngunit puso mo ay busilak at dalisay. One of the artists I admire”
Ani naman ng ibang netizens:
“Watched Arci in another interview in the past and I knew instantly how intelligent she was she was by the way she handled it. She’s beautiful inside and out. The way she said one can be beautiful in the outside but what matters most is if you treat orhers with kindness, that’s a real beauty.”
“The humility and.openness of this conversation makes this heaetfelt”
“I love ms arci. Totoo siyang tao wala siyang paki sa mga basher gagawin niya kung ano ang magpapasaya sa kanya…strong woman’
‘Arci deserves more in showbiz. She is genuine true herself”