Advertisers

Advertisers

Pugay sa winning Team Ynarez @ Tanay… SIKARAN MASTER CRISANTO CUEVAS DITO NA SA ‘PINAS

0 4

Advertisers

DUMATING na sa bansa si GSF Tanay Raven Sikaran founder/ president Master Crisanto Cuevas mula Estados Unidos bitbit ang dalawang napakahalagang misyon na isakakatuparan pronto sa kanyang bayang Tanay sa lalawigan ng Rizal.

Si Cuevas, dating martial arts at traditional sports enthusiast at Sikaran guru bukod sa pagiging dating aktor sa pinilakang tabing noong kanyang prime ay nakapokus sa kasalukuyan ang pagsuporta sa kampanya ng winning Team Ynarez at Team Tanay kaagapay ang GSF Tanay Sikaran Martial Arts.

Si Cuevas,secretary general ng Global Sikaran Federation( GSF) na itinatag ni Grandmaster Hari Osias Catolos Banaag sa California USA ay todo suporta sa kampanya ng mga Ynarez sa lalawigan ng Rizal at sa godfather ng larangan ng Sikaran sa bayan ng Tanay na mga Tanjuatcos at ang adhikain ng kanyang bayaw na si aspirante konsehal Roger Catolos na makapaglingkod sa kanyang kababayan.



” Marapat lang silang suportahan dahil sa mahusay nilang pamamahala para sa kapakanan ng mamamayan”, wika ni Master Cuevas, international martial arts awardee at nakatakdang gawaran ng GILAS Sportsman Award sa Maynila.

Tampok din sa kanyang iteneraryo ang gabayan ang kanyang powerhouse Tanay Raven Sikaran team sa marubdob na pagsasanay at komprehensibong preparasyon upang idepensa ang kanilang korona sa parating na National Sikaran Championship sa Kalibo,Aklan sa susunod na buwan ng Hunyo.

No dull moment ang pamamalagi dito ni Master Cuevas kaya ang ating tunay na mabibigkas ay PUGAY at MABUHAY!

Lowcut: Nakadaupang -palad na ng Uppercut ang aspirante para Councilor ng Tanay na si RÒGER CATOLOS na very close kay Master Cuevas.Marubdob at tunay ang hangarin niyang makapaglingkod sa kanyang kababayan sa Tanay. Good luck and MABUHAY!kudos to SG Vhergel Divina of McDo Libertad sa Pasay.