Advertisers
MAKARAANG makakuha ng napakalaking kalamangan kontra sa kanyang katunggali, partikular sa survey na isinagawa ng RPMD Foundation Inc., ilang araw bago ang May 2025 election, inaaasahan ng maraming local political observers ang landslide victory ni Valenzuela City 2nd District Congressional frontrunner Dra. Katherine Martinez.
Kasabay nito, nagpaabot ng tauspusong pasasalamat si Dra. Martinez sa pamunuan ng Iglesia Ni Cristo sa pagsuporta sa kanyang kandidatura at pananalig sa isinusulong niyang adbokasiya.
Sa “Boses ng Bayan” survey ng RPMD Foundation Inc., na isinagawa nitong Abril 25 hanggang 30, 2025 at mayroong 1,800 respondents, si Dra. Martinez ay nakakuha ng 78% voter support habang 19% lamang ang sumunod sa kanya.
Mas kilala rin sa tawag na Doktor Kat, ang congressional bet ng ‘Team Tuloy ang Progreso’ o Red Team sa Valenzuela City second district ay nakatuon sa higit na pagpapahusay ng public healthcare system ng lungsod.
Layunin din niyang mapagbuti ang katayuan ng mga healthcare worker sa pamamagitan ng pagkakaloob sa kanila ng iba’t-ibang benepisyo at insentibo habang isusulong din niya ang pagkakaroon ng mas maraming modern healthcare facilities
Kaya naman sa taglay niyang hindi na halos na mahabol na kalamangan at pagkakakuha ng inaasam ng marami na endorso ng INC, halos tiyak na ang panalo Dra. Martinez at magiging kahalili ng mister na si three-termer congressman at independent senatorial candidate Rep. Eric Martinez para maipagpatuloy ang legasiya ng huli na “Politics of Performance.”
Sa pagtaya rin ng mga local insider, sa pagtatapos ng canvassing para sa May 12 elections, hindi bababa sa 100,000 ang mailalamang na boto ni Dra. Kat.
Bagama’t ito ang unang pagsabak ni Dra. Martinez sa pulitika, hindi naman bago na sa kanya ang serbisyo publiko dahil aktibo siyang katuwang ni Congressman Eric Martinez sa pagpapabuti sa kalidad ng pamumuhay ng kanilang mga nasasakupan.
Patunay nito ang pagkilala at hindi matatawarang pag-endorso ng Gatchalian brothers, na sina Senator Sherwin at Social Welfare and Development Sec. Rex, na kapwa unang naging alkalde ng Valenzuela City, sa kandidatura ni Dra. Martinez ar maging ni Rep. Eric dahil sa mahusay na paglilingkod sa mga Valenzuelano.