Advertisers

Advertisers

El Shaddai, JIL, CLGG inendorso ang reelection bid ni Mayor Honey

0 9

Advertisers

TATLO pang higanteng religious groups na kinabibilangan ng El Shaddai, Jesus is Lord Church at Christian Leaders for Good Government ang dumagdag sa dumaraming grupo na nagbigay ng suporta sa reelection bid ni Manila Mayor Honey Lacuna. Ito ay dahil na rin sa anilay integrity, good moral character at good governance na katangian ng isang lider na mayroon ang isang Mayor Honey Lacuna

Sinabi ni Brother Mike Velarde, founder ng Catholic Charismatic Community na El Shaddai at mayroong nine million members sa buong bansa na sila ay pumapanig sa isang kandidato na totoong maka-Diyos sa kanyang gawi at may matatag na pananampalataya.

Samantala ang Jesus is Lord, na itinatag ni Bro. Eddie Villanueva kung saan itinutuloy ni Senator Joel Villanueva ang legacy ay nagpahayag din ng suporta sa episyenteng liderato ni Lacuna. Ang Protestant Christian denomination ay itinatag noong 1978 sa Maynila kung saan milyun-milyon din ang mga miyembro.



Nitong Huwebes, ang Christian Leaders for Good Government kung saan ang liderato ay binubuo ng 500 Baptist and Evangelical pastors mula Maynila ay nagpahayag din ng kanilang suporta sa kandidatura ni Lacuna kung saan ay ipinagdasal pa nila ang lady mayor.

Nauna rito, mga malalaking grupo ng Muslim communities na naka-base sa Maynila ang nag-endorso rin ng kandidatura ni Lacuna.

Ang Sultanate of Phangampong a Pilipinas Da’wah Solidarity Inc. na binubuo ng 3,000 member-leaders, ay pinuri ang liderato ni Lacuna pati na ang mga programa nito na kung saan pinakikinabangan ng mga residente at binigyang komendasyon din nito ang alkalde sa pagbibigay ng pinakamahusay na health care, education at peace and order sa lungsod.

Maging ang United Muslim Community sa Maynila, na isang malaking grupo at binubuo ng iba’t-ibang organisasyon ng mga Manila-based Muslims, ay nangako din ng kanilang suporta sa kandidatura ni Lacuna at sinabing pinasalamatan nila kung paano inalagaan ng administrasyon ni Lacuna ang mga Muslim communities sa lungsod.

Para sa kanyang bahagi, pinasalamatan ni Lacuna ang limang malalaking grupo na nagbigay ng suporta sa kanyang kandidatura at nagpahayag din ng pasasalamat sa El Shaddai, Jesus is Lord at Christian Leaders for Good Government na tulad ng United Muslim Community in Manila at Sultanate of Phangampong a Pilipinas Da’wah Solidarity Inc. ay sumusuporta sa kanyang administrasyon at mga plano Maynila.



“Maraming, maraming maraming salamat sa inyong pagtitiwala at makakaasa po kayong lahat na hinding-hindi namin kayo pababayaan at lalong-lalo na, hinding-hindi namin kayo iiwan,” pagtitiyak ng alkalde.

Samantala ang Confederation of Truckers Association of the Philippines, Inc. (CTAP) na binubuo ng libo-libong truck owners, operators at workers at lahat ay naka-base sa Maynila. ay inendorso rin ang kandidatura ni Lacuna, at sinabi ang administrasyon ni Lacuna ang nagbigay wakas sa kanilang paghihirap mula sa mga kamay ng mga tiwaling traffic enforcers na ilang taon din silang ginagatasan. (ANDI GARCIA)