Advertisers

Advertisers

Mapayapa at maaayos na NLE25, puntirya ni QCPD OIC Col. Silvio

0 5

Advertisers

Sa Lunes na, Mayo 12, 2025, dadagsa sa mga polling precinct amg milyon-milyong botante upang ihayag ang kanilang karapatan bumoto – iboto ang napupusuan nilang mga susunod na lider ng bansa – sa lokal at nasyonal, na kanilang pinaniniwalaang malaki ang maiambag sa kalagayan ng ating Inang bayan..

Inaasahan sa araw ng halalan o habang papalapit ito, may mga nakalulusot na kaguluhan, hindi lamang mula sa mga kandidato kung hindi (mas lalo) sa kanilang taga-suporta.

Ngunit, kahit na may posibilidad na mayroon maaaring mangyayaring kaguluhan, siniguro naman ng Quezon City Police District (QCPD) na gagawin nila ang lahat para maiwasan o masawata ang ano man puwedeng kaguluhan mangyari sa kanilang area of responsibility.



Katunayan, upang matiyak ang kaayusan at katahimikan ng halalan, nito pang Mayo 3, 2025 pinaghandaan ng QCPD ang lahat. Inalerto na ni PCol Randy Glenn Silvio, Deputy District Director for Administration at Officer-in-Charge ng QCPD, ang buong puwersa ng pulisya – mula district headquarters pababa hanggang police station.

Para matiyak ang mapayapang halalan, inumpishan ng QCPD ang pagbibigay ng seguridad sa pagbibiyahe o pagdadala ng mga election parapernalia at Automated Counting machines (ACMs) mula Laguna hanggang Amoranto Stadium sa Quezon City hanggang sa pagdedeliber sa mga polling center sa lungsod.

Hindi lamang hanggang seguridad sa pagdeliber ang siniguro ng QCPD kung hindi nagtalaga din si Col. Silvio ng mga pulis na magbabantay sa voting paraphernalias at ACMS upang masiguro ang mga ito, hanggang sa araw ng halalan.

“The QCPD force is fully prepared to ensure the orderly, peaceful, and honest conduct of the National and Local Elections (NLE) 2025 on May 12.

Para mas matiyak pa ang seguridad ng QCitizens sa araw ng halalan, aabot sa 4,000 pulis ang ikakalat sa mga polling precincts, strategic locations, at para din sa patuloy na kampanya laban sa kriminalidad.



Patuloy din na nakikipag-ugnayan ang QCPD sa Commission on Elections (COMELEC), Department of Education (DepEd), sa LGU, at iba pang ahensya para matiyak at maging epektibo ang implementasyon ng pagbibigay seguridad sa halalan.

“We call on the public to stay alert, cooperate with authorities, and report any suspicious activity or incident immediately to the nearest police station or through the QC Helpline 122. To all QCPD personnel, always be reminded to remain apolitical, refrain from any involvement in politics, and carry out your duties with integrity to ensure safe, orderly, and peaceful elections,” pahayag pa ni PCol. Silvio.

Heto pa – ang siyempre masasabing isa sa higit na mahalaga. Pinaalalahanan ni Col. Silvio ang buong command na manatiling apolitical at iwasan na makilahok sa ano man aktibidades ng mga kandidato.

“Just carry out your duties with integrity to ensure safe, orderly, and peaceful elections all over the city,” paalala ni Col. Silvio sa kanyang mga opisyal at tauhan.

Sa madaling salita, makikitang prayoridad ni Col Silvio ang mapayapa at maayos ng halalan para na rin sa seguridad ng mga botante maging nang milyong QCitizen.