Advertisers

Advertisers

Killer’ ng lady crew ng Turks, sumuko

0 4

Advertisers

Sumuko  sa mga awtoridad ng Barobo (Surigao Del Sur) Municipal Police Station ang pumatay sa babaeng service crew ng Turks Shawarma nitong  Linggo, Mayo 4, 2025  sa Quezon City.

Sa ulat, ang suspek na nakilalang si alyas “Eduard” ay dating crew din sa Turks na matatagpuan sa kanto ng Tandang Sora Ave. at Quirino Highway,  Brgy Sangangdaan, Quezon City.



Sa report kay Police  Regional Office (PRO) 13, Regional Director, P/BGen Christopher Abrahano, bandang alas-12:45 ng hating gabi nitong Huwebes nang sumuko sa mga awtoridad ang suspek kasama ang kaniyang ina. 

Sa imbestigasyon ng QCPD Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), nang  mapatay ng suspek ang katrabahong si alyas “Lyka”, 27, noong Linggo ay agad itong umuwi sa kanilang probinsiya kinabukasan, araw ng Lunes upang doon magtago.

Sa imbestigasyon ng QCPD, ang suspek at ang biktima ay dating magka-tandem  sa iba’t ibang sangay ng Turks.

Bago ang krimen, noong nakaraan  3 linggo , ay kinompronta ng biktima ang suspek patungkol sa discrepancy ng kanilang inventory report dahilan para magkaroon  ng alitan ang dalawa at matanggal din sa trabaho ang suspek.

Ayon sa QCPD, may hawak din silang saksi na katrabaho ng suspek sa pinapasukan  kung saan ay nakita niyang may mga kalmot sa mukha  ang suspek.



Kaugnay nito, Inaasikaso na ng Barobo MPS ang pagturn-over ng suspek sa QCPD para sa kasong isasampa laban dito.Magugunitang bandang 8:55 ng umaga noong Linggo (May 4), nang madiskubre ang bangkay ng biktima sa loob ng Turks na matatagpuan sa kanto ng Tandang Sora Ave. at Quirino Highway, sa Brgy Sangangdaan, Quezon City na tadtad ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan. (Almar Danguilan)