Advertisers

Advertisers

2 Cebuanong BPO exec ikinulong sa US, nagpasaklolo kay PBBM

0 6

Advertisers

UMAPELA kahapon ang mga pamilya at kaibigan ng dalawang Cebuanong Business Process Outsourcing (BPO)  executive na inaresto at nakakulong sa US kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at sa Department of Foreign Affairs (DFA) na tulungan silang makabalik sa Pilipinas

Sa press conferrence nitong Huwebes sa Quezon City,  sinabi ni Atty. Oliver Baclay, Jr., counsel na sina Mike Sordilla, CEO ng Innocentrix at founder of Hiyas Pilipinas, at vice president niyang si Bryan Tarosa, na inaresto noong Disyembre 2024 dahil sa umano’y sangkot sa  $44 million publishing scam ay walang katotohanan.



Ang dalawang nabanggit ng opisyal, kasama si Gemma Traya Austin na nakabase sa California ay nahaharap sa mga kasong conspiracy to commit mail and wire fraud at money laundering conspiracy sa US para sa pagpapatakbo umano ng book publishing scam na tumakbo sa loob ng 7 taon.

Ibinunyag ng legal counsel na mayroon silang mga pangalan ng mga ahente na sangkot sa hindi awtorisadong transaksyon ngunit nilinaw na mayroong “dalawang pangunahing aktor” sa likod nito.

Binigyang-diin din ni Baclay na ang Innocentrix ay may “napakalakas na mga patakaran” laban sa pandaraya ngunit hindi nagawang maipatupad sa panahon ng COVID-19 lockdown, dahil ang mga empleyado ay ‘worked from home.’

Sa pahayag ng U.S. Department of Justice (DOJ), nagpapatakbo umano ang mga nabanggit ng opisyal ng isang mapanlinlang na pamamaraan sa ilalim ng pangalang PageTurner, Press and Media LLC mula Setyembre 2017 hanggang Disyembre 2024, na nangangako sa matatandang author na ang kanilang mga libro ay gagawing mga pelikulang Hollywood kapalit ng libu-libong dolyar na bayad.

Sa nasabing operasyon umano ay mahigit 800 biktima ang nalinlang na nagbayad umano ng kabuuang $44 milyon o humigit-kumulang P2.5 bilyon 



Ngunit mariin itong pinabulaanan ni Baclay at pinanindigan na ang mga akusasyon ay “unfounded and exaggerated.”

Sinabi niya na ang batayan ng DOJ ay nagmula sa hindi awtorisadong aksyon ng mga partikular na empleyado, at hindi patakaran ng kumpanya. ( Almar Danguilan)