Advertisers

Advertisers

Dra. Dianne Nieto: Serbisyong Totoo para sa Distrito Kwatro

0 5

Advertisers

SI Dra. Dianne Nieto ay isang masipag at maaasahang doktor na matagal nang naglilingkod sa mga Manileño. Bilang lead doctor ng medical team ni Vice Mayor Yul Servo Nieto, lagi siyang on-call sa tuwing may sakuna o emergency sa Maynila.

Dahil sa malawak niyang karanasan sa quick response operations, batid niya ang tunay na kalagayan ng kalusugan sa lungsod. Kaya’t binuksan niya ang Alagang Nieto Clinic sa Sampaloc upang direktang makatulong sa mga taga-Distrito Kwatro.

Bilang Chief of Staff ng Office of the Vice Mayor, siya rin ang nanguna sa mga programang tulad ng Botika ng Manileño, na nagbibigay ng libreng maintenance medicines. Pero hindi siya tumigil doon—”Botika on Wheels” ang kanyang inisyatibo para maihatid ang gamot sa mismong tahanan ng mga pasyente, lalo na ang mga hindi makalabas o walang pamasahe.



Bilang isang ina, isusulong din ni Dra. Dianne ang proteksiyon para sa mga working moms at ang pagbuo ng mobile clinics na magbibigay ng libreng check-up, bakuna, at serbisyong medikal sa mga barangay.

Sa kanyang dedikasyon, karanasan, at malasakit, si Dra. Dianne Nieto ay handang maging boses ng kalusugan at kalinga sa Konseho ng Maynila bilang Konsehal ng Distrito Kwatro.