Advertisers

Advertisers

MENSAHE NI MAYOR HONEY LACUNA BILANG INA NG MAYNILA!

0 801

Advertisers

Ngayong May 12 ELECTIONS ay napakahalaga ang gagawing pagpapasiya ng mga botante sa kung sino ang kanilang pagtitiwalaang mga POLITICIAN na iluluklok sa iba’t ibang posisyon para maging lider at tagapangasiwa sa kapakanan ng buong sambayanan.

Bunsod nito ay may mga mensaheng nais ipabatid sa mga constituent si MANILA MAYOR DR. HONEY LACUNA-PANGAN…, na ito ang  nilalaman ng kaniyang MENSAHE sa mga MANILEÑO hinggil sa kahalagahan nang pagpili ng landas sa darating na halalan para sa kanilang lungsod 

Ang landas na iniaalay nito sa mga MANILEÑO ay ang patuloy na pag-usbong ng ekonomiya ng Maynila, na magbubunga ng mas maraming trabaho para sa mga tatay, nanay, kuya, ate, at maging sa mga lolo at lola na nais pang magtrabaho; Masinop na pamamahala sa mga pondo ng lungsod — maayos at tapat na mga proseso at patakaran, upang masigurong bawat piso ay nagagamit nang tama;  Paggalang sa karapatan ng mga manggagawa at pagtulong sa mga entrepreneur na gustong magtagumpay upang maiangat ang antas ng kanilang kabuhayan;  Mataas na kalidad ng edukasyon mula elementarya hanggang kolehiyo, tinitiyak na ang mga estudyante ay hindi lamang marunong magbasa kundi tunay na nauunawaan ang kanilang binabasa at mahusay sa matematika. Suporta para sa mga guro, estudyante, at paaralan ang ating prayoridad; Mapagkalingang serbisyong pangkalusugan at social services — mula sa mga ospital at super health centers, hanggang sa mga programang ayuda upang masuklian nang tapat ang buwis na ibinabayad ng ating mga mamamayan. Daragdagan pa natin ito ng mga school clinics para maalagaan ang kalusugan ng mga mag-aaral at mga guro;  Maayos na sistema ng paghahakot ng basura. Dalawa na ang contractors natin para rito — kaya nasa ayos na. Kailangan lang ang kooperasyon at disiplina ng bawat isa para mapanatiling malinis ang kapaligiran. Hindi dugyot ang Maynila, at lalong hindi dugyot ang mga Manileño;  Kaligtasan ng bawat Manileño laban sa krimen, pang-aabuso, at karahasan. Ang bawat lansangan, bawat kanto ng Maynila ay dapat maging ligtas para sa lahat. Sa tulong ng mas pinaigting na presensya ng kapulisan, mas pinadaling proseso ng pagsusumbong ng krimen, CCTVs sa mga kritikal na lugar, at pakikipagtulungan sa mga barangay, walang puwang ang mga kriminal sa ating lungsod; Kaligtasan ng bawat Manileño mula sa sunog, baha, at iba pang sakuna. Sa susunod na tatlong taon, magpapagawa tayo ng mga evacuation centers sa tulong ng national government; Pakikipag-ugnayan sa mga kumpanya ng kuryente, telco, at internet upang ang mga spaghetti wires ay maiunat nang tama at mailipat sa ilalim ng lupa — iwas aksidente na, hindi pa masakit sa matang pagmasdan;  at ang .proteksyon sa ating mga vendors at mga truckers. Kapanatagan na wala nang mangongotong sa kanila. At garantiyang mapapanagot sa batas ang sinumang mang-aabuso sa kapangyarihan o mangongotong.

Ang mga mensaheng ito ang landas na iniaalay ni MAYOR LACUNA para sa SERBISYONG DIRETSO, TAPAT at TOTOO.., na aniya ay magsasama-sama silang mga MANILEÑO na maglalakbay tungo sa TAMANG LANDAS dahil sa ilalim ng kaniyang liderato ay pruweba ang kauna-unahang SEAL OF GOOD LOCAL GOVERNANCE na nakamit ng MANILA CITY GOVERNMENT.

“Mas marami pa tayong mapagtatagumpayan dahil sa ating pagkakaisa.., sa patuloy na wasto at mahusay na pamamahala, mas marami pang biyaya ang darating sa bawat pamilyang Manileño,” paglalahad pa sa MENSAHE ng NAGMAMAHAL NA INA para sa MANILA CITY!

             —000—

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com 

para sa inyo pong mga panig.