Advertisers

Advertisers

BARANGAY HALL GINAWANG IMBAKAN NG CAMPAIGN POSTERS NI MAKATI KID PEÑA

0 12

Advertisers

MAKATI CITY — Muling nabunyag ang paggamit ng pasilidad ng gobyerno para sa pansariling kampanya ng mga politiko, matapos matagpuan ang mga campaign materials ni Kid Peña, kasalukuyang Kongresista at tumatakbong Bise Alkalde, sa loob ng Barangay Hall ng Barangay Pio del Pilar noong Mayo 9, 2025.

Habang nagsasagawa ng house-to-house campaign sa lugar sina Senadora at kandidato sa pagka-Alkalde Nancy Binay at dating Kongresista at kandidato sa pagka-Bise Alkalde Monsour Del Rosario, bumisita sila sa barangay hall upang bumati sa mga empleyado.

Sa paglilibot tumambad sa kanila ang mga campaign posters at paraphernalia ni Peña na nakaimbak sa loob mismo ng pampublikong pasilidad — isang hayagang paglabag sa COMELEC Resolution No. 11104,



Seksyon 34(b), na tahasang nagbabawal sa pag-iimbak ng mga “posters, sample ballots, o anumang campaign paraphernalia” sa mga barangay hall, covered court, o alinmang pag-aari ng pamahalaan.

Hindi ito ang unang pagkakataon na may kahalintulad na insidente mula sa parehong kampo ni Pena. Nitong Abril 29, 2025, natuklasan din ng Binay-Del Rosario camp ang mga campaign materials ni Luis Campos, tumatakbong Alkalde at running mate ni Peña, sa loob ng barangay hall ng Barangay Pinagkaisahan.

Sa kanyang pahayag sa social media, inamin mismo ni Campos na ang mga materyales ay nasa loob ng barangay hall, nakasalansan sa mesa para kunin ng mga residente — isang paliwanag na hindi makakabura sa katotohanang ito ay labag pa rin sa
batas.

Ang magkakasunod na mga insidente ay nagpapakita ng malinaw at sistematikong pag-abuso sa pondo at pasilidad ng gobyerno upang isulong ang pansariling interes ng mga kandidato.

Ang mga barangay hall ay dapat nananatiling neutral at hindi ginagamit bilang bodega ng mga
materyales sa kampanya.



Nanawagan ang Binay-Del Rosario team sa Commission on Elections (COMELEC) at iba pang
kinauukulang ahensya na agad na magsagawa ng masusing imbestigasyon at magpataw ng
kaukulang parusa sa mga responsable sa mga paglabag na ito.